25 - UNMASKED

6.4K 230 34
                                    

Chapter 25

UNMASKED

Nang matapos ang huling klase namin sa araw na 'yun, nagmadali kami ni Miles magligpit ng gamit dahil pupuntahan pa namin sila Lestor. I was going to perform a spell I've invented para madali silang maka-adapt sa mundo ng mga tao. I'm still not sure if it will work pero wala namang mawawala kung susubukan namin.

Palabas na kami ng classroom nang tawagin kami nila Mark. "Bakit ba lagi na lang kayo nagmamadaling umuwi? Tambay muna tayong anim, yayain na din natin si Cindy." Yaya niya na sinang-ayunan kagad ng iba pa naming kaibigan.

"Next time na lang kasi may pupuntahan pa kami ni Aya e." Pagpapaalam ni Miles.

"Nakakatampo na kayo ha. Lagi kayong tumatanggi tuwing nagyayaya kaming tumambay." Nagtatampong sabi ni Charles.

"Ang O.A. niyo ha. Dalawang beses pa lang kaya kaming tumatanggi." Sabi ko. "Promise next time talaga sasama na kami. May importanteng lakad lang talaga kami kaya hindi pwede."

"Next time na lang tayo tumambay. Baka kasi tumawag parents ko mamaya kaya kailangan nasa bahay lang ako." Pagtanggi din ni Jet sa paanyaya nila Mark.

"Oh siya, sige! Next time na lang tayo mag-bonding." Sang-ayon nila.

******

Pagdating sa apartment, nadatnan namin ang apat na nanonood ng TV at pilit ginagaya ang pananalita at kilos ng mga pinapanood nila. Kaso lang, they were watching the wrong kind of shows.

"Mga girlalu! Halika na't mag-muk-ap na tayo. Retouch-retouch 'pag may time sisters! Nalosyang ang beauty ko kay ateng customer." Pati ang pagpilantik ng bewang at kamay ng bading sa TV ay ginagaya din ni Sedric.

"Correct ka diyan sister! Feeling diyosa si ateng. Ang chaka naman ng fezlak! Mas Gandara Park pa ko sa kanya." Sagot naman ni Kasumi.

Hindi na namin napigilan ni Miles na matawa sa kanila kaya napalingon sila samin.

"Uy mga baklush! Nandito na pala ang mga sisterakas natin. Maghanda na tayo ng malalafang." Lumapit pa si Lestor para kunin ang mga bag namin.

Kami naman ni Miles e tawa lang nang tawa. Ngayon na lang ulit ako tumawa nang ganito simula nung makilala ko ang Prinsipe. I've only met him last Friday, but it already feels as if yers have passed since then.

"Mga friend. Mali naman yang ginagaya niyo e. Hindi naman siguro kayo bading 'di ba? Teka, uso ba yun sa fairy world?" Tanong ni Miles samin.

"Hindi ko din alam kung meron nun sa mundo ng diwata pero laughtrip 'tong sila Sedric. Havey na havey!" Tawa parin ako nang tawa.

"Sa totoo lang, nahihiwagahan kami sa napanood naming palabas. Kakaiba pala talaga dito sa mundo niyo 'no?" Dagdag ni Sedric.

"Uhm, ano ba yung bading?" Singit ni Calisto.

"Ang bading kasi pinanganak sila na may katawan ng lalaki pero sa puso nila mga babae sila." Paliwanag ni Miles sa kanila.

"Lalaki na pusong babae? Wala nga nun sa mga mundo ng diwata. Ayon kasi sa mga kwento, ginawa ng Bathala ang mga diwata ayon sa kagustuhan ng puso nila. Ibig sabihin, kung ang puso nila ay babae, 'yun din ang ibibigay na katawan sa kanila." Paliwanag ni Calisto.

"Ah. Ang swerte niyo pala talaga, bukod na pinagpalang mga nilalang. Teka, oo nga pala. Nandito kami kasi may importanteng sasabihin sa inyo si Aya."

"Dumaan kami dito para sabihin sa inyo na pupunta dito mamaya si Dria. May spell siya na susubukan sa inyo para madali niyong maintindihan kung paano mamuhay at magsalita nang normal sa mundong 'to." Balita ko sa kanila. "Pero babalaan ko kayo ngayon pa lang na yung spell na yun hindi pa sigurado kung gagana."

"Kahit ano pang gawin niya samin basta makakatulong sa paghahanap sa Prinsipe ay sang-ayon kami." Pahayag ni Sedric.

Tumango naman ang tatlo pang itim na diwata bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Sedric.

******

Paalis na sana kami ng apartment nang maramdaman ko ang presensiya ng isa pang diwata sa labas ng bahay. Hindi ko maramdaman kung anong uri siya ng diwata, kung itim o puti pero sigurado akong hindi siya ang Prinsipe. At nararamdaman ko din na hindi maganda ang pakay niya.

Hinawakan ko kagad ang braso ni Miles bago pa niya mabuksan ang pinto.

"Let it go, let it go. Don't hold me back anymore. 'Di ba kailangan na natin umuwi kasi may gagawin pa tayo lalo na ikaw?!" Makahulugang sabi niya. Alam niya kasi na kailangan ko pang bumalik dito bilang Dria para gawin ang inimbento kong spell.

"May naghihintay satin sa labas. Masama ang kutob ko sa kanya." Sabi ko habang matiim na pinapakiramdaman pa din ang nilalang na naghihintay sa paglabas namin.

Lumayo naman si Miles sa pintuan at hinila ako pabalik ng sala kung nasan sila Lestor. "Anong gagawin natin? Baka naman yung Prinsipe lang yan?" Tanong niya.

Narinig naman ng apat na kasama namin ang sinabi niya kaya pati sila ay naging alerto. Bago ko pa masabi sa kanila ang naramdaman ko ay nagsalita na si Kasumi. "May nagmamatyag sa paligid. Mag-isa lang siya pero medyo malakas ang kapangyarihan. Hindi maganda ang kanyang layunin." Bilang isang mandirigmang diwata, malakas ang kanilang pandama at pagkilatis sa pagkatao ng ibang nilalang.

Kinabahan ako sa narinig kay Kasumi. Oras na siguro para malaman nila kung sino talaga ako. Kailangan kong unahin ang kaligtasan naming lahat at hindi ko magagawa ang kailangan kong gawin nang hindi nagpapalit-anyo.

Humarap ako sa kanila at mahinahong nagsalita. "Kayong apat, kailangan niyong mag-anyong diwata." Hinintay kong sundin nila ang utos ko bago ako muling nagsalita. "May kailangan kayong malaman tungkol sakin."

Sabay-sabay nagtanong ang apat. "Anong kailangan naming malaman?"

"Ako at si Dria ay iisa." Sambit ko bago nagpalit-anyo.

Lahat sila, pati si Miles, ay nagulat sa ginawa ko. But there isn't time for me to explain everything at the moment. I need to use my powers to transport the six of us out of here. Going out the front door will be like walking into an ambush. Kapag naman sa likod kami dumaan, alam kong hahabulin lang kami ng kung sino man ang nasa labas. We need to leave this place without leaving a trace and the only way to do that is by using a powerful transportation spell. A spell that I've only encountered in books and never tried in real life.

Inutusan ko sila Calisto na magpalit-anyo because transporting them as fairies will be easier than transporting them while they're under another spell to look like humans. Naghawak-hawak kami ng kamay at sinambit ko sa isip ko ang kinakailangan kong orasyon.

I closed my eyes and focused all my thoughts into the only place I knew would be safe for me and my friends, the only place where no fairies can ever do us harm. A place I've never been to except in dreams.

I felt the power flowing from my being enfold the six of us in a bright light and the next thing I knew, we were in Eve's garden.

I used the remaining strength I had and mentally uttered another spell that would conceal our presence from other beings.

"Safe ba tayo dito Aya?" Tanong ni Miles.

Napaupo ako sa damuhan. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan ko. Alam kong anumang oras ay mawawalan ako ng malay kaya nagbilin na ko kay Miles. "Ligtas tayo dito. Dito lang kayo. 'Wag na 'wag kayong aalis ng hardin. Hintayin niyo ko..."

And that was the last thing I said before unconsciousness claimed me.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant