14 - 1ST STEP

6.5K 239 0
                                    

Chapter 14

FIRST STEP

Lumapit kagad kami ni Miles sa isang prof namin kinabukasan ng umaga para magpaalam.

"Sir Aries, pwede po ba kaming sumama sa inyo mamaya sa palengke? May kailangan po kasi kaming bilin e." Paalam ni Miles sa isa sa mga professor namin.

"Ano ba yung bibilin niyo? Kami na lang ni Sir Jake ang bibili para sa inyo." Sagot niya samin.

"Naku Sir, kami na lang po ni Aya kasi nakakahiya naman kung iuutos pa namin sa inyo." Palusot ni Miles. Hindi namin pwedeng sabihin na bibili kami ng damit na panlalaki dahil malamang tatanungin kami kung bakit at para kanino.

"Baka mawala pa kayo sa palengke kapag humiwalay kayo samin."

"E Sir k-k-kasi maselan po yung bibilin namin kaya hi-hindi po pwedeng ihabilin."

Nahihirapan na si Miles mag-isip ng dahilan kaya tinulungan ko na siyang magsinungaling. "Nagkaron po kasi ako bigla kaya kailangan ko ng napkin. Si Miles naman po nabasa yung pouch niya ng underwear kaya kailangan po naming bumili sa palengke."

Namula ang tenga ni Sir Aries sa hiya at nauutal pa siyang sumagot samin. "A-ah ganun ba? Yun ba yung bibilin niyo? Sige sumama na kayo pero magsama kayo ng kaklase niyong lalaki para may magbabantay sa inyo habang namamalengke kami ni Sir Jake. We'll be leaving in fifteen minutes." Sabi niya bago pumuntang kusina.

Nagtinginan kami ni Miles. "Hala Bes! Kailangan natin magsama ng kaklase. Sino pwede natin isama?"

"Kahit sino na lang kila Mark. Mas madali naman sigurong magpalusot sa isa sa kanilang tatlo kaysa sa prof natin. 'Pag tinanong nila kung para kanino yung bibilin nating damit e sabihin na lang natin na para satin."

******

Si Mark sana ang yayayain namin kasi sa kanilang tatlo, siya ang pinakamadaling utuin kaso lang nasa C.R. siya dahil masama ang tiyan niya kaya si Jet ang naisama namin dito sa palengke. Pero okay din naman siyang kasama kasi hindi siya mausisa. Hindi siya nagtanong kung para saan yung pinamili naming mga jogging pants at t-shirts.

"Pano tayo aarkila ng van e nakabuntot satin si Jet? San mo ba nakita yung karatula ng van for hire?" Bulong sakin ni Miles pagkatapos naming bumili ng mga damit.

"Dun yung karatula sa isang sari-sari store sa tapat ng 7-11 sa tabi ng palengke. Ako na lang pupunta dun para kumausap dun sa driver ng van. Isama mo si Jet sa loob ng 7-11, bumili ka ng napkin at disposable panties dun. Para may props tayo 'pag nagtanong sila Sir Aries."

"O sige, sige. Ako na bahala kay Jet basta bilisan mo lang makipag-usap ha?"

Hinintay kong hatakin ni Miles papasok ng convenience store si Jet bago ako tumawid papunta sa tindahan sa kabilang kalye. Buti na lang may tao sa tindahan kaya may nakausap kaagad ako tungkol sa aarkilahin kong van.

"E iha, kelan mo ba aarkilahin yung van namin? Tsaka ilan kayong sasakay?" Tanong ng kausap kong nagbabantay ng tindahan.

"Sa Sabado po ng madaling araw. Yung mga kaibigang lalaki ko po ang sasakay. Apat lang naman po sila. Puno na po kasi yung bus namin kaya hindi na namin sila masasabay. Tsaka hindi din po kasi alam ng mga professors namin na kasama namin sila dahil tinakas lang po namin sila. Dun niyo na lang po sila sunduin sa resort pero sa tapat na lang kayo pumarada para hindi kayo mapansin ng prof namin. Hahatid ko na lang po yung pasahero niyo sa inyo. Okay lang po ba na five a.m. kayo pumunta dun? Sabayan niyo na lang po yung alis ng bus tapos sundan niyo na lang po kami."

"Aba'y okay lang naman sakin kahit anong oras pa yan. Magpalitan na lang tayo ng numero ng telepono para matawagan kita 'pag nandun na ko sa Sabado."

"Sige po." Binigay sakin ni Mang Edwin ang number niya at sinave ko naman sa cellphone niya ang number ko. Nag-abot na din ako ng downpayment para makapagpa-gas na siya bago pumunta sa resort ng Sabado. "Salamat po ulit Mang Edwin! Ite-text ko na lang po kayo."

Pinuntahan ko na sila Miles sa 7-11 at naabutan ko siya sa aisle ng mga napkin. Si Jet ang may buhat ng basket niya na puno ng chichirya, cookies, tinapay, palaman, softdrinks at chocolates.

"Aya nandiyan ka na pala. Pumili ka na nga nitong napkin mo para makaaalis na tayo. Nakalimutan ko kasi kung anong brand ang gusto mo e." Kumindat pa siya habang nagsasalita kaya sinakyan ko na lang.

"Sige. Pila ka na sa counter Jet, sunod na lang kami. Saglit lang ako, promise!"

A Fairy's Tale (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon