26 - REVELATIONS

6.1K 234 36
                                    

Chapter 26

REVELATIONS

When I lost my grasp on reality, I was pulled into the mystique and magic of my dreams. In my slumber, I was also where I was in real life.

I was beside the lake once again, looking at my reflection in the water. Pero imbes na ipakita ng tubig ang anyong diwata ko, nakikita ko ang itsura ko bilang tao. Naputol ang pagtitig ko sa aking sarili nang may maramdaman akong presensiya sa likuran ko.

"They say third time's a charm and today it will be proven true." Sabi ng sarili ko habang lumalapit siya sakin. "Ito ang pangatlong pagkikita natin at ngayon ay ibibigay ko na ang kinakailangan mong mga sagot." Ngumiti siya.

"Pwede mo bang sabihin kung sino ka talaga? Sabi mo noon na ikaw ay ako at ako ay ikaw. Bakit nagagawa mong kausapin ako? Am I mentally sick? May multiple personality disorder ba ko?" Tanong ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "Hindi ka baliw Aya. I am simply the part of your being that is hidden away. You are not aware of who you really are so let me introduce ourselves to you." Saglit siyang huminto sa pagsasalita na para bang may inaalala. "I told you before that I am you and you are me, but what I didn't tell you was that WE are the missing princess of the white fairies."

Natigalgal ako sa isiniwalat niya. "Pero paano nangyari 'yun? Reyna at hari ang Nanay at Tatay?"

"Your Nanay and Tatay are who they say they are; a fairy godmother and a warrior fairy. The finest and mightiest of their kind. Pero hindi sila ang nagbigay sayo o sa atin ng buhay. Ang tunay mong magulang ay nasa mundo ng mga diwata, namumuno sa kanilang kaharian."

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. "So, pinamigay nila ko?" Pinigilan kong tumulo ang luha ko.

Umiling siya. "You were entrusted to their friends whom they trust the most to protect you. Nung pinanganak ka, may nabuong propesiya tungkol sayo at 'yun ang dahilan kung bakit kinailangan mong lumaki sa mga mundo ng mga tao." Kinumpas niya sa ibabaw ng tubig ang mga kamay niya matapos niyang magsalita. "Look into the water and find out for yourself what happened in the past."

Muli akong tumingin sa tubig at doon ay nakita ko ang isang tagpo kung saan ang isang magandang diwata ay nanganganak. May kasama siyang isang lalaki at kumadrona sa isang kwarto. Nang iabot na ang bata sa kanyang ina, napansin ko kaagad ang umiilaw na marka sa kanyang likuran at dun ko napagtanto na ako ang sanggol. Nakita ko kung gaano kasaya ang mag-asawa habang tinititigan ako. Bigla namang mayroong isang batang lalaki na pumasok sa kwarto at umakyat sa kama para tumabi sa babae. Sa tantiya ko ay isa o dalawang taong gulang pa lamang ang bata.

"Sino ang batang 'yun?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin ko sa tubig.

"Siya ang nakatatanda mong kapatid na lalaki, ang tagapagmana ng trono ng iyong ama. He is Prince Ricarlo, the future king of the white fairies."

"Why do I have this feeling that I've already seen or met that little boy? Kung totoong nawalay ako sa kanila nung sanggol pa lang ako, bakit parang nakita ko na ang mukha ng kuya ko?"

"Because you have seen and met him. Umalis siya sa mundo ng mga diwata ten years after you were born upang hanapin ka. Ngunit sa paghahanap niya, iba ang nakita niya. He came to know the reason why his little sister had to leave their home. He found the dark Prince and became his friend."

I smiled when I realized where I've seen that face before. And now I know who the dark Prince is.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now