9 - 1ST PRIZE

8K 257 20
                                    

Chapter 9

FIRST PRIZE

Monday na at ngayon ang General Assembly ng mga college freshmen. Nakakakaba na nakaka-excite. May limang sections ang first years at pangalawa kami sa magpe-present.

Inaayusan namin ni Miles ngayon si Cindy at Jet sa room namin. Lalakad kasi sila sa red carpet mamaya dahil sila yung bida sa movie namin bilang si John Lloyd at Sarah.

Mas lalong lumabas ang ganda ni Cindy sa suot niyang gown. Kanina pa nga tingin nang tingin sa kanya 'tong inaayusan ko e.

"Jet 'wag mo munang lingunin si Cindy. Hindi ko maayos 'tong buhok mo." Saway ko sa kanya, hindi kasi siya mapirmi sa inuupuan e.

Napaayos naman siya kaagad ng upo. "Oy, hindi ah."

"Wooshoo! Nag-deny ka pa, halata ka naman. Tingnan mo nga yung pisngi mo, namumula na e hindi naman kita nilagyan ng blush-on." Dinutdot ko pa yung pisngi niya.

"Tsk. 'Wag ka na nga maingay diyan, mamaya marinig ka pa nila."

"Yes sir!" Sumaludo pa ko sa kanya at pinagpatuloy ko na yung pag-aayos sa buhok niya.

Napangiti naman siya. Malamang pinagtatawanan na naman ako niyan kaya ngingiti-ngiti.

After namin sila ayusan, lumabas na kami sa room at nanood ng mga presentation ng ibang performers. Medyo kinakabahan ako nung malapit na matapos yung unang magpe-present.

"John Lloyd at Sarah galingan niyo mamaya ha? Super sweet dapat kayo 'pag naglalakad na kayo sa red carpet ha?" Kinuha ko yung kamay nilang dalawa at pinaglapit ko para mag-holding hands sila. Hindi ako ang may gusto kay Cindy pero ako ang pa-simpleng dumadamoves.

"Ang higpit naman ng hawak mo Jet, hindi naman tatakas si Cindy." Kantyaw ni Charles sa kaibigan niya na dahilan kaya nag-blush si Cindy.

"Ayan na, tayo na magpe-present. Dun na kayong dalawa sa mga kapwa niyo artista. Charles patulong naman maglatag ng red carpet sa aisle." Hinila ko na si Charles para mag-ayos ng props namin. Yung iba naming kaklase inaayos yung mga silya na uupuan kunwari ng mga stars pati na ng audience ng "Awards Night".

Nung maayos na lahat ng props, pinadilim namin sa buong gym para kitang-kita ang spotlight. Isa-isa nang pumasok ang mga artista. Nung sila Jet na ang maglalakad sa gitna, tumili kami nila Miles nang malakas. Nang makaupo na lahat ng mga artista, pinatay ang spotlight at binuksan na ang projector. Ten minutes lang lahat ng videos na ipinakita ng section namin at sa lakas ng tawanan ng mga tao sa gym, alam namin that our presentation was a success.

******

Nang matapos na mag-present lahat ng sections ng mga first years, nagkaroon ng 20 minutes break for the computation of scores. Ngayon din kasi ia-announce ang panalo. Sabi ng mga higher levels, ang premyo daw ng mananalo ay fou days and four nights sa beach resort ng may-ari ng university. Umpisa pa lang ng school year, bakasyon kaagad.

"Sana tayo manalo. Sobrang sulit kasi yung prize." Naka-cross fingers pa si Mark habang sinasabi yun.

"Oo nga. Bonding na din yun ng section natin." Sang-ayon ni Miles.

"Sana nga manalo tayo. Pero sana payagan din ako nila Nanay na i-enjoy ang premyo." Sabi ko sa kanila. Ayaw kasi nila Nanay na matagal akong nahihiwalay sa kanila.

"Oo nga pala. Tutulungan na lang kita magpaalam kila Tita. Alam mo naman, malakas ako sa parents mo. Malaki tiwala nila sakin e." Smug na smug na sabi ni Miles.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now