17 - 1ST CLUE: PARENTAGE

7K 219 6
                                    

Chapter 17

1ST CLUE: PARENTAGE

The next morning around four a.m., I was busy making a list of the names of my "suspects" when Miles surprised me.

"Huy! Kanina ka pa busy diyan. Ano ba yang sinusulat mo? Patingin nga." Sigaw niya sakin.

Charles

Mark

Jet

"Ano 'to? Listahan ng may utang sayo?" Naguguluhang tanong niya.

"Tsk! Kung listahan yan ng may utang sakin e 'di dapat una ka sa listahan?!" Asar ko sa kanya. "Yan yung mga pinaghihinalaan ko sa mga kaklase natin na Prinsipe."

"At bakit mo naman pinaghihinalaan ang mga kaibigan natin?" Taas-kilay niyang tanong. Ang taray ng bestfriend ko.

"Kung iisipin mo kasing mabuti ang magiging lagay ng Prinsipe dito sa mundo ng mga tao, wala siyang mga magulang dahil naglayas nga siya at paniguradong gumawa siya ng kapani-paniwalang kwento para pagtakpan 'yun. Pwedeng sabihin niyang nasa ibang bansa ang parents niya tulad ni Jet, pwede ding namatay ang parents niya sa isang aksidente tulad ni Mark or lumaki siya sa isang ampunan at 'di niya kilala ang parents niya tulad ni Charles. Gets mo na?"

"Ay grabe! Bilib talaga ko sa utak mo Bes! Ang taba siguro ng mga neurons mo 'no? Naisip mo pa talaga yun?" Bilib na bilib na naman siya sakin.

"Kulang-kulang pa nga yang listahan ko e. Hindi ako makaisip ng paraan para matanong yung iba pa nating kaklase. Aalis na tayo mamayang eleven a.m. kaya dapat makaisip na ko ng paraan dahil baka hindi na tayo mabigyan ng pagkakataon na matanong sila dahil tiyak magiging busy na tayo pagbalik ng school." Napasabunot pa ko sa buhok ko sa sobrang frutration.

"And this is where I come in. Hindi mo na natatanong Bes, pero I'm also full of ideas." Tinupi at binulsa niya ang listahang ginawa ko tapos ay hinila ako papunta sa first floor ng bahay na tinutuluyan namin.

"Teka! San tayo pupunta?"

"Kila Ma'ams at Sirs. May naisip akong bright idea."

******

And her bright idea consists of all of us students sitting on the sands near the beach while formed in a circle. Sinabi niya kasi sa mga profs namin na para mas makilala namin ang mga kaklase namin e mag-bonfire kami habang madilim pa at pagkwentuhan namin ang aming mga buhay-buhay. Which is actually a pretty great idea.

"So kanino tayo magsisimula?" Tanong ng isa naming prof na babae.

Nagtaas kagad ng kamay si Miles. "Ma'am sa boys na muna kasi mas konti sila samin."

"Okay, so any volunteers?"

Nakinig akong mabuti sa mga kwento ng mga kaklase namin at pasimple akong gumawa ng listahan sa cellphone ko.

Nang matapos na sila, nadagdagan ng lima ang listahan ko.

Charles

Mark

Jet

Andrew

Jacob

Bryan

Luigi

Randell

Si Bryan at Luigi ay patay na din ang mga magulang katulad ni Mark. Ang pagkakaiba lang nila kay Mark ay hindi sabay namatay ang parents nila. Si Andrew, Jacob at Randell ay kapareho naman ni Jet na nasa ibang bansa ang magulang.

Sa sobrang dami namin, inabot ng tatlong oras ang pagkukwentuhan namin. Karamihan sa kasama namin ay gutom na nang matapos kami kaya dumiretso na kami sa kanya-kanyang mga bahay na tinutuluyan paa mag-almusal. Ang mga kasama naming prof ang nag-aasikaso ng kakainin namin. Tumutulong din naman kaming estudyante sa kanila sa paghahanda at pagliligpit kaya hindi din gaanong mabigat ang gawain nila.

Pagkatapos kumain, nagpasyang maligo saglit sa dagat ang karamihan sa kanila habang kami ni Miles ay nagpaiwan sa kwarto para mag-ayos na ng gamit. Kinuha ko ang mga pinamili naming damit para kila Sedric at nilagay yun sa binili naming backpack. Yung mga sandwich naman na ginawa ko kagabi ay nakalagay na sa malaking tupperware kaya bibitbitin na lang mamaya. Nagbukas ako ng ilang chips, cookies at chocolates para isalin din sa kanya-kanyang container. Baka kasi mahirapan pa sila Sedric magbukas ng mga yun kaya ilalagay ko na lahat ng pagkain nila sa mga tupperware.

Lahat ng mga tupperware ng pagkain ay nilagay ko sa malaking paperbag. Naglagay naman ako ng apat na malaking bote ng C2 sa isang plastic kasama ang apat ding malaking bote ng mineral water.

Lahat ng dadalin ko kila Kasumi ay nakahanda na sa isang tabi. Ang problema na lang ay kung paano ko dadalin ang mga 'to sa gubat nang hindi ako napapansin ng mga kasama namin. Sa sobrang dami ng mga 'to, parang imposibleng mangyari 'yun.

"Friend may naisip ka na ba?" Tanong ni Miles.

"Hindi ko sila pwedeng patulugin ulit dahil magtataka sila kung bakit sabay-sabay silang nakatulog sa ganitong oras. Hindi ko din pwedeng gamitin ang super speed ko habang naka-anyong tao dahil siguradong mauubos ang lakas ko. Pwede kong paliitin lahat ng dadalin ko sa gubat pero it still won't give me enough time to talk to the guys."

"So ano na ngang plano natin? Natatae na ko sa kaba Bes e."

Tumingin ako sa kanya bago seryosong bago nagsalita. "Sa tingin mo okay lang na i-freeze ko silang lahat?"

Nanlaki bigla ang mga mata niya sa gulat. "Ano? Panong ifi-freeze?"

"Pahihintuin ko ang oras causing all of them to be frozen on the spot. They'll all stop moving, seeing, hearing or feeling."

"Kaya mong gawin yun friend? E pano ako? Pati ako hindi makakakilos?"

"Nasubukan ko na dati ang spell na yun sa mga hayop and I'm sure it'll work on humans too since you're basically animals. Pero siyempre hindi kita isasama sa spell kasi tutulungan mo pa kong magbuhat ng mga yan 'di ba? Tsaka ipapakilala din kita kila Sedric kaya kailangan mong sumama sakin."

"So kelan mo gagawin ang spell?"

"An hour before we leave siguro? That should give us enough time para magpaliwanag kila Sedric ng plano. Ang problema ko na lang ay kung san sila titira sa siyudad. Hindi pwedeng sa bahay namin dahil tiyak na makikita sila nila Nanay and I don't think my spell is powerful enough to disguise them against my mom who's a powerful fairy godmother."

"May alam akong paupahan nila Mommy. Maliit lang yung apartment pero kasya naman sila at fully furnished na din yun."

"Waaah! Thanks Bes! Hayaan mo, magbabayad na lang ako ng renta para hindi magtaka ang parents mo. Baka isipin ng mga yun nagbabahay ka ng boylets mo sa apartment nila."

"Ihihingi na lang kita ng discount para hindi ka mamulubi. Tsaka dumaan muna tayo sa bahay para kumuha ng mga pagkain nila. Bawas gastos din yun. Iilan lang naman kami sa bahay at sobra-sobra ang groceries namin."

"The best ka talaga friend! Kaya love na love kita e."

"Haay naku Chandria, 'wag mo na kong bolahin diyan at bilugan na ko masyado. Maligo na tayo dahil malapit nang mag-nine. 'Di ba ten a.m. tayo pupunta sa gubat?"

Sumaludo naman ako sa kanya bago kunin ang twalya at damit ko para mauna nang maligo dahil paghahandaan ko pa ang gagawin kong spell.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now