16 - SUSPICIOUS MIND

6.6K 229 8
                                    

Chapter 16

SUSPICIOUS MIND

"Alam mo napansin ko nitong nakaraan, biglaan na lang kaming nakakatulog. Huling naaalala ko kagabi nagku-kwentuhan pa kami nila Mark. Hindi pa naman kami inaantok nun pero nakatulugan namin ang pag-uusap. Ang weird!" Reklamo ni Jet habang nagpapalaman ako ng mga tinapay na ibibigay ko kila Sedric bukas.

"Baka dahil pagod kayo sa kaka-swimming mag-hapon." Pagpapalusot ko. Sana lang bumenta sa kanya para hindi na siya magtaka.

"Ah ewan! Ayoko na nganh isipin, sumasakit lang lalo ulo ko e." Sabi niya habang sinasabunutan ang sarili.

"Masyado mo kasing pinuproblema kahit hindi naman problema." Sabi ko habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

Napaangat bigla ang tingin ko sa kanya nang maramdaman ko na may humaplos sa buhok ko.

"San ba talaga kayo galing ni Miles at may mga dahon-dahon ka pa sa buhok?" Kunot noong tinititigan niya ang nakuha niyang dahon sa ulo ko.

"Ah kasi pumunta kami ni Miles sa gubat pero sa may bukana lang kasi nagkatakutan na kami. 'Wag mo kami isumbong kila Ma'am Vangie ha?"

"Tsk! Sa susunod 'wag kayong pupunta ulit dun. Mamaya ma-engkanto pa kayo. Kwento samin nung bata kami na sa mga gubat daw may mga diwata't duwende. Buti hindi kayo napagtripan." Sermon niya sakin.

"Duwende? Diwata? Naniniwala ka ba sa mga engkanto Jet?" Tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung katulad din ba siya ng ibang tao na natatakot sa mga kauri ko.

"Alam kong totoo sila kaya nga iniiwasan kong pumunta dun e. Hindi ko sinasabing masasamang nilalang sila pero mabuti na rin yung maingat. Sa mga kwento kasing alam ko, pilyo ang mga duwende at diwata. Lalo na ang mga itim na diwata."

Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. May alam siya tungkol sa mga itim na diwata? "Sino naman ang nag-kwento sayo ng mga ganyan?" Usisa ko.

"Kwento ng mga matatanda 'yun. Nung minsang nagbakasyon ako sa probinsya nila Charles, nagkatuwaan kami na magkwentuhan ng horror stories tapos yung Lola niya e kinuwentuhan kami ng tungkol sa mga engkanto."

"Talaga? Ang close niyo pala talaga ni Mark. Kasi hanggang summer vacation magkasama kayo. Buti pinapayagan ka ng mga parents mo na sumama sa probinsya nila Charles?" Tanong ko. Naisip ko kasi na kung isa sa mga kaklase ko ang Prinsipeng hinahanap namin nila Lestor, sisimulan ko na ang pag-iimbestiga sa mga kaibigan ko. Forty-eight students kami sa isang section, twenty-eight dun ay babae. Sa twenty na kaklase naming lalaki, isa dun ang Prinsipe.

"Ah, hindi ko kasi sila kasama. Nasa abroad ang magulang ko. Kaya malaya akong gawin ang gusto ko." Nakangising sagot niya.

"Sino pala kasama mo sa bahay?"

"Ako lang pati mga kasambahay." Nakangiti siya habang sumasagot pero hindi umaabot ang ngiti niya sa mata niya. Sa lahat ng nakilala ko, parang si Jet ang may pinakamalungkot na mata. Para siyang may dinadalang problema at kung anumang problema niya, gusto ko siyang tulungan.

"Bakit hindi ka na lang tumira kila Rica para may kasama ka sa bahay?"

"Kasi hindi naman kami close. Malayong kamag-anak ng Mama ko ang mama niya kaya mag-pinsan kami pero hindi kami sabay lumaki at sa katanuyan e ilang taon pa lang simula nung nakilala ko siya. Hindi kasi ako lumaki satin. Lumipat na lang ako dun nung nahiwalay ako sa parents ko."

"Ah. Malayong pinsan mo lang pala siya." Inaabsorb ko pa ang kinuwento niya sakin. Sa kwento nila Sedric, lumayas ng kaharian ang Prinsipe at pinagtataguan niya ang Hari at Reyna ng mga itim na diwata. Ibig sabihin nun, maaring nag-iisa lang siyang namumuhay sa siyudad. Malaki ang posibilidad na si Jet yun kaso lang posible bang may pinsan siya na tao? Ilang taon ko ding naging kaklase si Rica at sigurado akong tao siya at hindi diwata.

"Ilang taon na din simula nung humiwalay ako sa parents ko kaya medyo sanay na din ako. Si Charles at Mark na ang pamilya ko. Katulad ko, wala din silang magulang. Kaya nga yata nagkasundo kami dahil pareho na kaming ulila."

"Ha? Sila ding dalawa? Ano naman kwento nila? Anong nangyari sa parents nila?" Silang tatlo ang walang magulang at namumuhay mag-isa, malaki ang chance na isa kila Mark at Charles ang Prinsipe. Duda pa kasi akong si Jet dahil nga pinsan niya si Rica.

"Si Mark namatay ang parents niya sa isang aksidente. Si Charles naman ang sabi niya samin noon, lumaki siya sa ampunan at hindi niya kilala ang magulang niya."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Teka, 'di ba sabi mo kanina may Lola si Charles sa probinsya?"

"May umampon kasi sa kanya at yun na ang tinuring niyang pamilya."

Mukhang kailangan kong gumawa ng listahan ng mga kaklase ko na posibleng ang Prinsipe. At ang nangunguna sa listahan na yun ay si Mark, Charles at Jet.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now