24 - BAD VIBES

6.7K 226 31
                                    

Chapter 24

BAD VIBES

I avoided the Prince in my dreams with the help of a simple spell I made. It's a spell which prevents me from dreaming with him again. Whenever my dream starts with me back in the forest, I utter the spell and I am instantly transported to another dream. One where no prince awaits for me.

I've been making impromptu spells all day yesterday and I'm more than glad I'm successful with the small spells I've invented kahit na mga spells na nagpapabago ng kulay ng buhok, nagpapalutang ng mga bagay at nagpapalaho ng peklat lang ang mga yun. At least, lahat sila gumagana sa unang subok pa lang. I just have to be really careful in wording the spells and I have to concentrate real hard on the outcome I want for it to work.

Gustuhin ko mang mag-practice na lang ng spells buong araw ngayon at 'wag nang pumasok sa mga klase ko para maiwasan si Charles at Jet, hindi pwede dahil Lunes na ngayon at magtataka sila Nanay 'pag lumiban ako sa klase.

I know I was unfair in what I last said to the Prince, but I said those things because my feelings were hurt. I didn't care about him ordering me around, but it hurts to hear him admit that he likes someone else. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kong isipin ang katotohanang 'yun. Sa tuwing sumasagi yun sa isip ko ay hindi ako makahinga nang maayos at nag-iinit ang mga mata ko, sumasakit din ang ulo ko. I don't know why I'm feeling that way pero ayoko na ulit maramdaman 'yun kaya iniiwasan ko siya.

Buong buhay ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganung feeling. I was brought up with so much love showered upon me kaya nung pakiramdam ko na may ibang mas mahalaga kaysa sakin para sa Prinsipe, hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. I wasn't spoiled and yet I still felt that way.

"Aya anak! Mag-a-alas sais na, male-late ka na hindi ka pa kumakain." Sigaw ni Tatay mula sa first floor ng bahay kaya nagmadali na ko sa pag-aayos ng gamit.

Pagkababa ko ay humalik na lang ako sa kanila para makaalis na.

"Ops teka! Hindi ka pa kumakain." Pigil sakin ni Nanay.

"E 'Nay male-late na po ako e." Katwiran ko.

Sinamaan lang ako ng tingin ni Nanay. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan 'to ng ulam na nakahain. "Babaunin ko na lang po 'to. Kakainin ko habang naglalakad."

"Sige, mag-ingat ka." Sagot nila sakin kaya nagmamadaling umalis na ko.

******

Pagdating sa classroom, tahimik akong umupo sa upuan ko at hiniga ang ulo ko sa desk. Kahit na naramdaman kong may tumabi sakin ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ako kumilos.

"Huy Bes! Sayo yata 'tong pagkain dito sa lamesa ko, may pangalan mo oh!"

Nagulat ako sa sinabi ni Miles dahil wala akong nilagay na pagkain dun. Pag-angat ko ng ulo ko, nakita kong may isang clubhouse sandwich at isang cup ng hot choco sa lamesa niya. May nakadikit ding sticky note sa baso kaya kinuha ko yun para basahin.

"Good morning Aya! -Eiman"

"Uy, ano yan? Ang aga naman manligaw niyan, parang negosyanteng intsik lang ah." Pang-aasar ni Mark.

Napalingon ako at nakitang nasa likod ko ang tatlo pang kaibigan namin. Nakatunghay silang tatlo at pasilip na binabasa ang note na hawak ko.

"Eiman? Sino yan?" Kunot-noong tanong ni Charles.

Hindi naman umimik si Jet na tahimik na umupo sa silya niya sa harapan ko.

"Si Kuya Eiman ba yan Bes? Siya yung isa sa nag-orient satin para sa assembly 'di ba?" Malakas na tanog ni Miles.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now