22 - PURPOSE

6.3K 256 41
                                    

Chapter 22

PURPOSE

Hindi ako nabigo nang matulog kami ni Miles pagkauwi sa kanila dahil nandun muli ang Prinsipe sa aking panaginip.

He was sitting on a big rock in the forest with his feet dangling by the edge. He had a bored look on his face and he kept tossing leaves in the air with his foot.

Napangiti ako sa nakita ko. It somehow made me a bit happy, thinking that he might be waiting for me. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong lumipad palapit sa kanya. "Ako ba ang hinihintay mo?" Nakangiting bungad ko sa kanya nang inangat niya ang paningin niya sakin.

Nagliwanag naman ang mukha niya nang makita ako at napatayo siya sa kinauupuan niya. Pero biglang napalitan ng inis ang saya niya. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay ah." Sermon niya sakin.

I curtsied to mock him a little. "Sorry na po mahal na Prinisipe. May dinaanan pa kasi ako bago ako umuwi kaya ngayon lang ako nakatulog."

Umingos siya. "Tsk! Inaasahan ko pa naman na magmamadali kang matulog ulit dahil naputol yung pag-uusap natin kanina." Parang nagtatampong bata dahil nagawa niya pang umirap at ibaling ang paningin niya palayo sakin.

"Importante lang talaga yung inasikaso ko. Pasensya na." Paghingi ko ng dispensa.

"Oh sige, patatawarin kita pero sabihin mo muna kung sino ka." Hamon niya sakin.

"Sige, deal! Pero kailangan sabihin mo rin kung sino ka para patas." Nakangising sabi ko. Alam kong hinding-hindi niya sasabihin ang gusto kong malaman kaya malakas ang loob ko. "Oh 'di ba hindi mo kayang sabihin? Ganun din ang nararamdaman ko. Kapag nakilala ko na kung sino ka talaga, tsaka lang ako magpapakilala. Sa ngayon, let's be content with what we know of each other."

"Ayokong sabihin sayo kung sino ako dahil alam kong katulad ng Reyna ay gagawin mo din ang lahat para mailigtas ako. Ayokong gawin niyo yung nag-iisang paraan na makapagbibigay sakin ng mahabang buhay."

Nag-isip muna ako bago siya sagutin. Somehow, I can't imagine myself killing someone even if in the end I'd be able to save another. "If you're thinking that I'm willing to take a life for you, then you're mistaken. I don't think I can kill someone in exchange for saving someone else' life. Kaya maghahanap ako ng ibang paraan para mabuhay ka."

"Walang ibang magliligtas sakin. Lahat ng pwedeng gawin ay nagawa na namin ng mga magulang ko pero walang bisa lahat. Hindi parin naputol ang propesiya. Talaga yatang nasa tadhana ko na ang mamatay nang maaga."

"Thinking that way won't help. Bakit ba ganyan ka mag-isip? Your way of thinking is what will kill you. Why can't you hope for a better outcome? Hindi ba pwedeng labanan mo ang propesiya imbes na sumuko ka na lang?"

"I tried fighting it. For the first twelve years of my life, all I did was fight pero walang nangyari. Lagi lang kami nabibigo hanggang sa nagsawa na ko sa kakasubok."

"If you've given up already, then let me fight for you, okay? Bibilisan ko ang paghahanap sayo at kapag nakita na kita, lahat ng paraan ay susubukan ko sayo. Kahit na 'wag ka nang lumaban at umasa. I'll do it for the both of us basta hayaan mo lang akong ipaglaban ka."

"Why pick a fight that isn't yours to begin with? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ko magawang isuko e kung tutuusin, hindi mo naman ako kaanu-ano, ni hindi mo nga ako kilala."

"All my life, I've lived without a purpose. I keep having these dreams where I' m looking for something or someone. I have this urge to save whatever it is I'm looking for. At ngayong alam ko na kung sino ang hinahanap ko, gagawa ako ng paraan para matulungan ka." I told him with utter conviction.

Hindi siya sumagot pero hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at tinitigan niya ko sa mata. Ayan na naman ang malamlam niyang mga mata na nagbibigay sakin ng kakaibang pakiramdam. "Hindi kita pipigilan sa gusto mo, but I won't make it easy for you to find me. Sapat na 'tong mga panaginip natin para sakin. If this is my consolation for dying early then I'll take it because I want to spend my remaining months with a wonderful person like you."

"Don't worry. Masaya din akong makasama ka kahit sa panaginip lang. At kapag nakilala na kita, we'll spend time in the real world too."

Malungkot na ngumiti siya. "I'll wait for you then. Kapag nahanap mo ko kagad, let's say within a month, then I'll let you try anything to save me. Basta ba hindi ka papatay ng ibang nilalang. Deal?"

"Deal! You should know that I'm close to finding you. Alam kong kaklase kita, na malapit ka sakin." Pananakot ko sa kanya.

"Alam ko din naman na magkaklase tayo. In fact, I have a hunch that we're friends." Nginisian niya ko.

A Fairy's Tale (COMPLETE)On viuen les histories. Descobreix ara