4 - HE'S MY "BELLA SWAN"

9.9K 296 3
                                    

Chapter 4

HE'S MY "BELLA SWAN"

"Anak five a.m. na. Bumangon ka na para hindi ka ma-late sa klase mo." Niyuyugyog ako ni Tatay.

"Inaantok pa po ako 'Tay. Five more minutes please."

Ang hirap talaga bumangon sa umaga. Laging ganito ang eksena namin ni Tatay tuwing gigisingin niya ko. Mahirap kasi talaga akong gisingin. Kahit maaga pa kong matulog every night, I still feel as if I haven't slept that much whenever my Tatay wakes me up in the morning.

"Anak pareho tayong pagagalitan ng Nanay mo. Nagluto na siya ng almusal. Maligo ka na lang kagad para mawala antok mo." Hinatak na ni Tatay yung kumot ko para makasiguro siyang babangon na ko dahil masyadong malamig ang kwarto ko.

"Okay 'Tay. Maliligo na po." Bumangon na ko at dumiretso sa banyo para maligo. Hinubad ko na yung damit ko at tumapat ako sa shower. Binuksan ko kaagad ang gripo at hindi ko na hinintay na uminit pa ang tubig. Effective kasi ang cold shower pampagising.

Pagkatapos maligo, bumalik ako ng kwarto habang nakatapis ng tuwalya at nagbukas na ng cabinet ko para makapamili ng damit.

Saktong 5:30 nung matapos akong mag-ayos ng sarili. Kinuha ko ang bag ko at bumaba na ko sa dining room. Naabutan ko dun si Nanay at Tatay na parehong nagbabasa ng diyaryo. Umupo ako sa kaliwa ni Tatay na kaharap naman ni Nanay.

Nilagyan ako ni Nanay ng tinapay sa plato ko pati ng itlog at hotdog.

"Salamat 'Nay." Pasasalamat ko sa pag-aasikaso niya sakin. Super maalaga talaga sila ni Tatay sakin at hindi na ko nagtataka pa dun dahil nag-iisang anak ako.

"Kamusta nga pala yung bago niyong school anak?" Tanong ni Tatay sakin.

"Okay naman po. Orientation lang po namin kahapon. Ngayon naman po meeting ng mga freshmen with the Activity Coordinator ng school para mapag-usapan namin yung mga gagawin namin para sa General Assembly next week." Paliwanag ko.

Kailangan kasing mag-perform ang lahat ng first years sa assembly. It will serve as our "initiation" into college life.

"Kamusta naman mga kaklase mo? 'Wag mong kakalimutan yung mga bilin namin sayo ng Tatay mo ha? Umiwas kayo sa gulo, mag-ingat kayo sa mga taong hindi niyo pa lubos na kilala at higit sa lahat, 'wag na 'wag mong sasabihin kahit kanino ang sikreto natin." Paalala sakin ni Nanay.

"Don't worry 'Nay. Hindi po namin nakakalimutan yan ni Miles." Sagot ko kay Nanay habang ngumunguya pa ng pagkain.

Mukha namang napanatag si Nanay sa sagot ko kaya pinagpatuloy na niya ang pagbabasa. Alam naman kasi nila na hindi ko magagawang magsinungaling sa kanila at alam din nila na iniingatan ko yung sikreto ng pamilya namin dahil ayokong mapahamak ang mga mahal ko sa buhay. Kaya ginagamit ko yung kapangyarihang meron ako para malaman kung sino sa mga tao sa paligid ko ang dapat iwasan. Sa buong buhay ko, I've never failed in knowing a person's aura the moment I laid eyes on them.

Oo nga pala, kahapon may isang tao akong hindi ko mabasa ang pag-uugali. Ano kaya ibig sabihin nun? Bakit siya lang ang hindi ko makilatis?

"May itatanong nga po pala ko 'Nay. Kasi po 'di ba yung kapangyarihan ko bilang fairy godmother dapat gumagana sa lahat ng tao? Dapat makikilatis ko sila sa isang tingin lang? Ano po ba ang ibig sabihin kapag hindi yun gumana sa isang tao?" Curious talaga ko kung bakit hindi gumagana yung "fairy powers" ko kay Jet e.

Nakita kong nagtinginan silang dalawa at parang pareho silang nag-alala sa sinabi ko. Hindi nila sinagot yung tanong ko kaya palipat-lipat lang sa kanila yung tingin ko.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now