28 - HAVEN

6.3K 198 4
                                    

Chapter 28

HAVEN

I woke up with a start and found myself lying on my bestfriend's lap. I was surprised to find her crying. I glanced around to see the other fairies and worry was evident in their expressions. I sat up and Miles sobbed even louder.

"Uy Miles, bakit ka umiiyak diyan? May nangyari ba habang tulog ako?" Pinagpapalit-palit ko ang tingin ko sa kanilang lima.

"Loka-loka ka! Akala ko na-deads ka na!" She hiccuped in between her answer. "Hindi ka namin magising-gising kahit anong yugyog ang gawin namin tapos ang babaw pa ng pulso at paghinga mo! Daig mo pa si Anabelle manakot! Halos atakihin na ko sa kaba dito tapos sasabihin mong natutulog ka lang?! Ano ka, si Sleeping Beauty o si Snow White?! Buti 'di ko naisip pahalikan ka dito sa apat na 'to kundi nanakaw na ang first to fourth kiss mo na wala kang kamalay-malay dahil literal na natutulog ka sa kangkungan!" Walang tigil at pasigaw niyang pagsasalita.

Napatingin ako sa paligid sa huling sinabi niya at napansin kong kamukha nga ng mga kangkong ang hinihigan ko. Maiikli lang ang tangkay nila pero kaparehas nito ang hugis ng dahon ng paborito kong gulay. Hindi ko tuloy napigilang matawa sa sinabi ni Miles.

"Aya! Ano, nabaliw ka na?! Anong nakakatawa at halos kabagin ka na diyan?!" Naaasar na sabi niya.

"Natawa lang ako sa sinabi mong natutulog sa kangkungan. Sana pala nagluto kayo ng sinigang habang tulog ako. Kumakalam na sikmura ko e." I tried to lighten the atmosphere.

"Hindi 'to panahon para magbiro ka kaya tumigil ka nga diyan sa waley mong joke. Ano ba talagang nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ulit ni Miles.

Bago ko siya sagutin, bumaling muna ako kila Calisto. "Safe naman tayo dito 'di ba? Nasa Hardin ni Eba tayo kaya walang panganib sa paligid 'di ba?" Paniniguro ko.

Tumango silang apat bago nagsalita si Kasumi. "May hiwaga ang hardin na 'to kaya walang sinuman ang pwedeng makapanakit sa kapwa niya. May mahika o mahiwagang pwersa na pumipigil sa kahit anong bagay o nilalang na magdudulot ng sakit sa ibang likha ni Bathala."

"Mabuti kung ganun. Alam niyo ba kung san banda dito ang ilog? Dun ko na lang ikukwento sa inyo lahat ng nalaman ko."

Inalalayan nila kong tumayo. Inalok pa ng isa sa mga lalaking diwata na kargahin ako nang mapansin nila na medyo nanghihina ako kaya pinilit kong lumakad nang maayos para hindi maging pabigat sa kanila.

Malayo pa daw ang ilog na hinahanap ko kaya habang papunta dun ay inisip ko na kung pano ko ikukwento lahat nang nalaman ko at paano ko itatago kay Miles ang nabuo kong plano.

Hindi niya pwedeng malaman ang balak ko dahil siguradong hindi siya papayag na isakripisyo ko ang sarili ko.

For things to go my way, I need to gather the people crucial to my plan in one place. And I have to keep Miles, Sedric, Kasumi, Lestor and Calisto here in Eve's garden to make sure they're safe from harm.

Kailangang makita't makausap ko ang kuya ko. As the future king of the white fairies, I know his words will carry weight and bearing in our kingdom. I will need him to understand that I willingly gave up my life for the prince of the dark fairies. With this, magagawa kong pigilan ang pag-usbong ng digmaan sa pagitan ng dalawang lahi ng diwata.

I also need to think of a spell to conjure the being sent by the queen of the dark fairies to kill me. I need him or her to perform the sacrifice because I know for a fact that the dark prince won't be able to hurt me. He is too noble to the point that he'd willingly face death than sacrifice an innocent life for his. That's why I have to do this without his help.

And lastly, I need to make sure the dark prince is there to witness my demise.

******

"Malapit na tayo sa ilog na hinahanap mo Aya." Pinutol ni Lestor ang pag-iisip ko.

Nang marating namin ang ilog, isa-isa kaming naupo sa may batuhan malapit rito.

"So, ano? Pwede ka na bang mag-kwento kung anong nangyari sayo ha Aya?" Pag-uumpisa ni Miles.

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ang nalaman ko? Siguro mas mainam na ikwento ko na lang sa kanila mula umpisa kaya sinimulan ko ang kwento sa araw ng kapanganakan namin ng prinsipe.

Nang matapos kong sabihin sa kanilang lima lahat ng nalaman ko, saglit silang natahimik.

"Hindi ko akalaing ikaw ang nawawalang prinsesa Aya. Hindi ko pa nga matanggap na isa kang diwata tapos may panibagong lihim na naman ng pagkatao mo ang nabunyag." Hindi makapaniwalang sambit ni Kasumi.

"Siguro tadhana ang may dahilan kung bakit mo ko natagpuan sa gubat noon." Namamanghang sabi ni Sedric.

"Kung ikaw ang prinsesa, ibig sabihin, kailangan kang patayin para sa prinsipe? Yun ang masamang balak nung naghihintay satin sa labas ng apartment kanina?" Nahimigan ko ang takot sa boses ni Miles pero batid ko din na natatakot siya hindi para sa sarili, kundi para sakin. Lumaki kaming matalik na magkaibigan ni Miles kaya gagawin namin ang lahat ma-protektahan lang ang isa't-isa. And I've already thought of a way to keep her out of harm's way. She has to stay in this haven and I'd have to leave the four fairy warriors-in-training here too. They'll be her personal bodyguards and her guide back to the world of mortals.

But first, kailangang makausap ko muna si Calisto para malaman niya ang plano ko. Among the four fairies, he's the one who has the most potential to be a leader. I know I can count on him to keep the others in line.

"Dito muna tayo pansamantala. We'll just have to put our girl scout training to good use Miles. Pwede bang manguha kayo ni Kasumi ng mga tuyong sanga at mga bato para makapag-bonfire tayo?" Kailangang maiwan kaming dalawa ni Calisto para makapag-usap kami nang masinsinan. Bumaling naman ako kay Lestor at Sedric. "Kayong dalawa naman ang mangalap ng mga malalapad na dahon, mahahabang kahoy at baging na pwedeng gawing lubid para makagawa tayo ng silong. Kami naman ni Calisto, manghuhuli ng mga isda."

Nagsipagtayuan na sila para sundin ang mga inutos ko. The moment they were out of sight, I uttered the spell that would temporarily freeze time so that I can tell Calisto all that I have planned without interruptions.

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now