6 - MEET SIRIUS "NOT SO" BLACK

8.1K 301 9
                                    

Chapter 6

MEET SIRIUS "NOT SO" BLACK

Nag-taxi na kami papunta sa bahay dahil madami kaming mga pinamili. Nagprisinta naman ang mga boys na magbuhat ng mga yun kaya bag lang namin ang bitbit namin ni Miles at Cindy.

Pagdating sa bahay, binuksan ko kaagad ang gate para makapasok sila. Naglalakad pa lang kami sa malawak naming front lawn pero pinatigil na kami ni Miles.

"Bes, tawagin mo muna si Sirius dali. Gusto kong ma-videohan yung itsura nila 'pag nakita na nila yung alaga mo." Hawak-hawak na ni Miles yung phone niya at nakatutok na yun sa mga boys.

Natatawang humarap ako sa mga kaibigan namin. "Bitawan niyo muna yung mga bitbit niyo baka maitapon niyo yan mamaya sa kung saan. Cindy dito ka na sa tabi ni Miles para sila Mark lang ang masama sa video."

Nagtataka sila Mark sa pagtawa ni Miles at sa mga pinagawa ko pero sinunod naman nila ako at nilapag nila nang maayos sa damuhan sa paanan nila Miles yung mga hawak nila.

"Tatawagin ko na si Sirius. 'Wag niyong kakalimutan yung sinabi ko kanina sa school ha? Hindi siya nangangain ng tao kaya 'wag kayong matakot." Paalala ko sa kanila.

"Bes, 'wag ka nang mag-abalang sabihin yan. Kahit naman sino ang makakakita kay Sirius isa lang magiging reaksyon. Dali na, tawagin mo na siya. Ready na yung video ko oh. Ipo-post ko 'to sa Instagram at Facebook ko." Excited na sabi ni Miles. Ang gara talaga mang-trip ng bestfriend kong 'to.

Nilagay ko yung hintuturo at hinlalaki ko sa labi ko at pumito ako nang malakas. Nagbilang ako ng tatlo at narinig ko na si Sirius na tumatakbo. Nakatingin ako sa mga kaibigan naming lalaki at napansin kong narinig din nila ang narinig ko. Medyo kinakabahan na yung itsura nilang tatlo, si Charles medyo lumapit pa sakin nung may narinig silang malakas na alulong.

Nakaharap ako sa mga kaibigan kong lalaki kaya hindi ko makikita yung pagdating ni Sirius pero nung nakita kong nanlaki ang mga mata ng tatlong nasa harapan ko, lumingon na ko dahil alam kong nakita na nila ang alaga ko.

Tumakbo palapit sakin si Sirius at dinilaan ako sa mukha. Naririnig ko naman ang humahagalpak na tawa ni Miles na patuloy paring nagvi-video. Napakapit sa damit ko sila Mark at nagtago pa sila sa likod ko.

"Aya! Akala ko naman aso si Sirius. Sana sinabi mong giant wolf pala yan e 'di sana dun na lang tayo sa bahay namin." Sabi ni Mark.

Hindi na nakapagtataka ang reaksyon nila kasi bukod sa isang pure white wolf si Sirius, sobrang laki din niya. He stands three feet tall kaya lagpas bewang ko siya when he's on all four paws.

"Huwag nga kayong magtago sa likod ko. Mabait 'tong alaga ko. Hindi niya kayo kakagatin. Promise!"

Lumapit naman si Sirius sa kanila at napatili pa si Charles nung inamoy-amoy siya ni Sirius.

"Sit!" Utos ko kay Sirius. Agad naman itong sumunod sakin.

"Lapitan niyo na siya. Hindi na yan gagalaw."

Tinigil na ni Miles ang pagvi-video at siya na ang unang lumapit kay Sirius. Niyakap niya ito nang mahigpit at ginantihan naman siya ni Sirius ng "halik". Kilalang-kilala na din kasi ni Sirius si Miles kaya malambing din siya sa kaibigan ko. Si Cindy naman yung sunod na lumapit. Dahan-dahan niyang hinawakan ang ulo nito nung una pero katagalan, yumakap na din siya sa alaga ko.

"Kayong tatlo naman." Sabi ni Miles sa mga boys with her nang-iinis na smile.

"Sure ka ba Aya na hindi kami gagawing meryenda ng alaga mo?" Jet.

"Oo nga. Mas nangangagat pa si Miles kaysa diyan kay Sirius 'no." Biro ko.

Si Jet yung naglakas-loob mauna sa kanilang tatlo. Pinaamoy niya muna yung kamay niya kay Sirius. Bigla namang binaba ni Sirius yung ulo niya para mahawakan siya ni Jet. Tsaka lang lumapit yung dalawa pa sa kanya nung nakayuko na siya. Humiga pa sa damuhan si Sirius para hindi na matakot sa kanya yung mga boys.

Nung nawala na ang takot nila, tsaka lang ulit tumayo si Sirius. Lumapit ulit ito sakin at kiniskis ang ulo at katawan niya sa bandang tiyan ko. Ganun kasi siya maglambing kapag gusto niyang makipaglaro.

Hinawakan ko yung ulo niya at tiningnan siya sa mata. "Go get your toys baby."

Agad naman itong tumakbo papunta sa likod-bahay para kunin ang mga laruan niya. Nasa enclosed garden kasi ang doghouse niya pati mga gamit niya. Dun siya naglalaro sa garden mula umaga hanggang hapon. Pero 'pag gabi na, dun siya natutulog sa kwarto ko para bantayan ako. Dahil sabi ni Nanay, I am at my weakest during slumber because my guards are completely down and it takes time before I am awakened.

Nang makabalik siya, may dala-dala na siyang basket na may mga bola at chew toys niya. Inabutan ko sila Jet ng tig-isang bola para ihagis nila. Nagpakitang gilas din si Sirius at pinakita sa kanila lahat ng "wolf" tricks na alam niya kayang tuwang-tuwa sa kanya ang mga bago niyang kaibigan.

Saglit na nakipaglaro muna kami kay Sirius bago pumasok sa bahay para manood ng movie na naka-assign samin. Hanggang sa loob ng bahay pinasama ko si Sirius. Hindi na naman takot sila Mark sa kanya kaya okay lang sa kanila. Napansin ko nga na panay din ang lambing niya sa boys lalo na kay Jet. Medyo nakakapagtaka yung kilos ni Sirius kasi lapit siya nang lapit kay Jet. Mas nagtaka pa ko dahil nung nagsimula ang movie, kay Jet siya tumabi imbes sakin. It's the first time he preferred the company of someone else rather than mine.

Ano ba ang meron kay Jet at parang nagayuma niya yata si Sirius?!

A Fairy's Tale (COMPLETE)Where stories live. Discover now