God is Intimate

11 2 0
                                    

Love is intimate and Love forgives.

God wants us to be true and real to ourselves. Gusto Niyang maging totoo tayo sa Kanya at sa ating mga sarili. Sabi nga Niya, "there is no fear in love but perfect love drives out fear." Ibig sabihin, hindi dapat tayo natatakot na ipakita sa Diyos ang ating hubad na kaluluwa. Kasi wala naman talaga tayong matatago sa Kanya. He knows everything. Pero kahit na ganoon, gusto Niyang magsabi tayo sa Kanya.

God loves us. He loves to talk to us. Kaligayahan Niya na lumalapit tayo sa Kanya. Kasi diba kapag may relationship tayo sa isang tao, we spend time with them? We put a lot of efforts na makapagcommunicate sa kanila? 'Yan din ang gusto ni God sa atin. Gusto Niyang lumalapit tayo sa Kanya. Gusto Niyang umaamin tayo sa Kanya. Gusto Niyang magpakatotoo tayo sa Kanya. So, let us be intimate with the Lord. 'Yong 'di tayo nahihiya sa Kanya ano man ang tingin natin sa ating sarili o ano man ang tingin ng ibang tao sa atin. Sa paningin ni Lord, malinis tayo. Kung nagkasala man tayo, lapit lang tayo sa Panginoon at manghingi ng kapatawaran. Lilinisin Niya muli tayo. And even if you don't believe na malinis tayo sa harap ng Diyos, para sa Kanya ay malinis tayo. Huwag lang tayong gumawa ng mga bagay na labag sa kalooban Niya. Let us live our lives according to the will of God. As He said, "Be holy, for I am holy."

May this speak to your heart. I'm praying that you will not hesitate to ask God for His forgiveness. I-claim natin na pinatawad na tayo ng Diyos at huwag na muling gumawa ng kasalanan.

To God be all the glory ^_^

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon