Change Your Old Habit

21 1 0
                                    

Where there our treasures are, there our hearts are.

Colossians 3:2

Set your minds on things above, not on earthly things.

Marami pa rin sa atin na hindi maiwan-iwan ang wordly/earthly mindset. 'Yong tipong we live as if we will remain here on earth forever. 'Yong nakikiuso pa rin tayo sa galawan ng mundo. Yes, hindi masama na nakikisabay tayo sa kung anong trend ngayon pero ang tanong: Does it honor and glorify God? Are we not compromising ourselves?

Let's not forget that life here on earth is never certain. God does not even promise us a tomorrow. Tulad ng isang kandila, nauupos ang buhay natin at minsan kahit mahaba pa ang kandila ay puwede na itong mamatay. Hindi natin alam hanggang kailan lang tayo sa mundo.

Sa totoo lang, hindi naman talaga tayo taga-mundo. We are bound to live in heaven with the Lord. And life here on earth is just a training ground para kapag umuwi na tayo sa Heaven, we're already perfect in love. Mabubuhay tayo na puno sa pag-ibig ng Diyos. At doon, hindi na tayo mamamatay pa.

While here on earth, dapat ang i-mindset at i-goal natin ay makasiguro tayong sa pagkamatay natin ay makakapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Paano?

1. First, lumapit tayo sa Panginoon. Magpakumbaba at manghingi tayo ng kapatawaran. I-confess natin sa Diyos, hindi sa tao, ang lahat ng mali nating ginawa.
2. Let us accept Jesus as our Lord and Savior. Pahariin natin si Hesus sa ating buhay.
3. Live holy. Let's strive na di na tayo magkakasala pa. But if we fail, manghingi tayo ng kapatawaran sa Panginoon at i-claim natin na napatawad na tayo. At huwag na ulit gawin 'yon.
4. Gawin ang utos ng Diyos-which is to love Him with all of our hearts, with all of our soul, with all of our strength and with all of our mind. And we should love our neighbors as we love ourselves.
5. Gumawa ng mabuting bagay dahil ang lahat ng mabuting gawa ay pag-ibig.
6. Share the word of God. Magbasa tayo ng Bibliya dahil 'yan ay ang Kanyang salita. Magmeditate day and night para malaman natin ang will ni God-which is good, pleasing and perfect.

Iwan na natin ang mga bagay na marumi sa paningin ng Panginoon. If we still don't know what are those things, we should ask God and He will reveal to us the things that break His heart.

It only takes humility and faith to come to God. Huwag tayong mahiya. Hinihintay na Niya tayo. :)

All glory belongs to God forever!

My Testimonies and LearningsWhere stories live. Discover now