How Do You Handle Disappointment?

5 0 0
                                    

Naranasan niyo na ba ang mareject at madisappoint consecutively? 'Yon bang every hour nakakaranas ka ng uncomfy situation? How do you handle that? Do you react or do you try to respond well?

Ang strange lang kasi maliit na bagay kunwari may napag-usapan kaming ganito ang gagawin tas biglang magbabago ang plano tapos maya-maya ulit nakipaglaro ako sa isang bata pero mas nakipaglaro siya sa iba. Those small things already have an impact to the state of my heart. Kahit di naman talaga big deal pero parang nakakatempt mag-rebel?

Kahapon noong pauwi na ako, God impressed in my heart what had happened to me this week. Pinaalala Niya sa akin 'yong mga sandaling nasaktan ako, o kaya nagtampo. Then my boyfriend said sorry to me kasi di raw natutupad yong mga plano niya, etc. Tapos sabi ko sa kanya wala namang kaso sakin yon kasi naiintindihan ko naman bakit di kami natutuloy sa mga gala. I assured him na yong mga sandaling nagmo-mall kami para kumain at maglaro ng chess, sobrang laking bagay na sakin yon. I really appreciate those moments with him.

Tapos, parang kinausap ako ni Lord. I saw His heart towards me and I began to reflect. Sabi ko, "Maybe this is God's heart." Napaisip din ako sa mga pagkakataon nagpromise ako kay Lord na ganito gagawin ko but eventually di ko rin nagawa kasi busy or may iba akong pinagkaabalahan. Pero di ako nakaranas ng condemnation galing sa Kanya. He showed me how He understands my weaknesses and mga pagkukulang.

Grabe si God no? If only we can see how He moves in our lives, ang daming rason para ibigin natin ang ating kapwa. Ang daming rason para mas mapagkumbaba pa tayo. Ang daming rason para imbes na icondemn natin ang iba o kaya magreklamo tayo kasi di nila napanindigan yong sinabi nila o kaya parang napakatigas talaga nila, mas understanding and patient pa tayo sa kanila. AND IT'S ALL BECAUSE OF THE HEART OF GOD TOWARDS US. Those never-ending love and grace of Jesus for us. 

Iba talaga kapag naranasan mo personally ang pag-ibig ng Diyos. Nagkakaroon tayo ng mas malawak na pang-unawa sa ibang tao, even sa ating mga sarili. Kaya naman those situations taught me how to handle disappointments.

1. Hindi lahat ng bagay nakasentro sa'yo.

2. Anomang oras pwedeng magbago ang sitwasyon. We need to be flexible.

3. Emotions come and go. Hindi dapat nagpapadaig sa negative emotions.

4. Respond with love. Try to understand them and their situation.

5. Always see the best in them.

6. Treat them just as God is treating you.

7. Ask yourself, "Ganito din ba ako? How can i improve if ever ako naman ang nasa sitwasyon nila?"

Anoman ang rejections or disappointment nararanasan mo ngayon, gamitin nalang natin yon para mas maging mabuting tao. Gamitin natin para malaman natin which area of our lives that needs improvement. Higit sa lahat, always pray to God. Tell God you got mad, you got upset or you got hurt. Lastly, forgive and trust again. Never be a negative responder.

God bless you all! Glory to God alone in this learnings.

My Testimonies and LearningsWhere stories live. Discover now