Happy 23 years

2 0 0
                                    

If I live for 23 years yet do not have LOVE, I am nothing.

Akala ko dati okay lang maging maldita. Proud pa nga ako kasi maldita ako eh. Dati ang yabang ko kasi kilalang matalino to the point na hindi ako masaya kapag nalalamangan ako ng iba. Palaging nakikipagcompete tapos magyayabang na naman. Judgemental pa kasi ang taas ng tingin ko sa sarili ko.

When I looked back at those years, grabe pala ang sama ng ugali ko? Nakikita ko siya pero wala akong pakialam. All I thought was myself. Hindi nila ako pwedeng tapak-tapakan lang. Hindi nila ako pwedeng maliitin. Kapag may nagco-correct sa'kin? Hindi ako nakikinig. At bakit ako makikinig kung sila rin hindi perfect? I was creating my own image, leading only to self-destruction.

Hindi ako proud sa nakaraan ko pero sobra akong nagpapasalamat sa Panginoon kasi binago Niya ako. Inabot ako ng Diyos kahit gaano pa katigas ang puso ko. Sabi sa Bible "God opposes the proud but gives grace to the humble". Pwede naman akong pabayaan ni Lord pero bakit inabot Niya pa rin ako? Puwede naman hayaan nalang Niya akong masira pero bakit binago Niya pa rin ang buhay ko?

It's all because Jesus loves me. He loves me so much kaya nasasaktan din Siya sa mga consequences ng maling desisyon ko. And if I have the best decision in life? 'Yon 'yong sinuko ko ang buhay ko sa Kanya. 'Yon 'yong tinanggap ko Siya as my Lord ang personal Savior.

I was living in hell. I could't save myself. I was hopeless and no direction in life. I only thought of achieving my dreams without thinking paano kung mamatay naman ako na 'di pa rin nakukuha 'yon?

Sa loob ng 23 years, God has never left me. He never fails me. His grace is always sufficient sa mga kahinaan ko. His protection is always upon me. Ilang beses na akong muntik mamatay yet He used other people to save me. He used everything He has to save me--including His own life.

That's the love of Jesus. He willingly gave His life to save you and me. He died on the cross and on the third day He rose again. Now, He is waiting for us in Heaven. He is waiting for us to accept Him and His gift-- life in heaven. He is waiting for us to surrender to Him.

23 years of living God's grace. This is my life story. To God be the glory!

My Testimonies and LearningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon