Chapter 2

10 1 1
                                    


"Tss."


Dinig kong singhal ni Cassandra dahilan para bumalik ang isip ko sa realidad. Masama na ang tingin niya sa'kin at hindi na maipinta ang mukha. 


"Sayang lawak ko, 'di ka naman nakikinig." Natawa naman ako sa kunyaring tampo niya. Umayos ako ng upo at humarap sa kaniya. 


"Sorry hehe.. Inaantok kasi ako kaya ako natutulala." Ngumiti ako sa kaniya ngunit tango lang ang isiangot niya sa'kin. 


Si Rhoyde lang naman ang dahilan kung bakit wala ako sa sarili. Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako nagawang daldalin kagabi. Ang sabi ko ay matutulog na ako pero inabot pa kami ng madaling araw dahil sa kaka kwento niya! Aaminin kong nakatulong iyon saakin para mawala yung bigat na nararamdaman ko kagabi. Pero naisip ko, ayaw kong masanay sa mga ginagawa niya at ayaw kong dumipende sa kaniya para lang gumaan ang pakiramdam ko. 


Aaminin kong, masarap sa pakiramdam magkaroon ng taong mapapalagay talaga ang loob mo. Yung tipong you have a person, you're safe place. A "tahanan", a "pahinga." 


Ilang araw din ang lumipas na lutang at tahimik ako. Pero pagdating sa mga kaibigan ko ay hindi ko maiwasang hindi mag-ingay. Mahirap mag-isip ng alibi kaya go with the flow nalang ako. 


Today's saturday. Pupunta si Rhoyde dito sa bahay. Sanay na rin ako dahil pumupunta naman talaga siya dito. Besides, matagal na rin kaming magkaibigan. At ayos din sa parents ko na pumupunta si Rhoyde since magkaibigan nga kami.


"Jihan! Nasa labas na si Rhoyde!" Dinig kong sigaw ni papa kaya nagmadali na akong magsuklay at lumabas ng bahay. Sinalubong ko na may ngiti sa labi si Rhoyde.


"Hi, Jihan." Bati niya sa'kin at ginulo ang buhok ko. Tss, tagal tagal kong sinuklay ang buhok ko pero guguluhin lang?!


"Tara." Yaya ko sa kaniya at tumungo sa computer shop namin na katabi lang ng bahay namin. Dito kami madalas tumambay ni Rhoyde para manood sa computer at maglaro.


"Hi kuya Rhoyde." Bati ng kapatid kong lalaki. Sumunod din ang pamangkin kong babae na  bumati kay Rhoyde. Nakipag apir naman si Rhoyde sa kanila.


"Doon na muna kayo." Utos ko sa kanila at kaagad naman nila akong sinunod. 


"Laro tayo." Yaya niya sa'kin at binuksan ang isang computer. Tumango naman ako at sinimulang iopen ang isang computer. 


Ginugol namin ang oras sa paglalaro. Hindi ko maiwasang mamangha kung paano niya ako nagagawang patawanin kahit na tinatamad ako at wala sa mood. Mabuting kaibigan si Rhoyde.


"Jihan oh kumain muna kayo." Biglang sulpot ni mama na nakangiti kay Rhoyde. Inabot naman ni Rhoyde ang softdrinks at pagkain na hawak ni mama bago ito binigay sa'kin. Muli kaming iniwan ni mama.


"Picture tayo sa phone mo, Rhoyde." Nakangiti kong sabi. Walang alinlangang iniabot niya sa'kin ang cellphone. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now