Chapter 8

8 2 2
                                    

"Nagreview kayo?" Tanong ni Camilla.


Ngayon ay nasaktuhan pang exams namin. Nakakalungkot dahil hindi man lang ako nakapag review dahil sa sobrang kapaguran ay nakatulog kaagad ako.


"Hindi" Sabay naming sagot ni Cassandra. Maski ako ay hindi maniniwala na hindi nagreview si Cas.



"Kapag kayo mataas ang scores sinasabi ko sainyong dalawa" Natatawang sabi ni Camilla. Napailing naman ako dahil sa sinabi ni Camilla.



Ganon ba talaga ka-consistent ang grades ko?  Ganoon ba talaga kataas ang tingin nila saakin para maisip na hindi ako babagsak sa anumang academic performance namin? Sobrang pressure ang dulot niyon sa'kin.



Napahawak naman ako kaagad sa sentido ko nang bigla itong kumirot. Palihim akong yumuko at ipinikit ang mga mata.



"Jihan" Nalipat ang paningin namin sa tumawag sa pangalan ko. Si Rhoyde pala. Hindi na ako nag-abala pang tignan siya dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko magawang magalaw ang katawan ko. Para akong nanigas sa kinauupuan ko!


"Hiramin ko muna si Jihan, ayos lang ba?" Pagpapaalam ni Rhoyde. Lumapit siya saakin bago ako tinulungang tumayo. Nang magtama ang paningin namin ay halos magmakaawa na ang mga mata ko.



"LQ?" Dinig kong sabi ni May hindi pa man kami nakakalayo.



"Naga- away din pala yung mga hayop na 'yon" Natatawang sabi ni Camilla. Hindi ko na sila pinansin pa at sumama nalang kay Rhoyde.


Nang makababa kami ni Rhoyde at kaagad niya akong dinala sa clinic. Nagpalinga-linga muna kami para masiguradong walang mga kaklase namin ang nakakita saamin.


"Ma'am." Pagtawag ni Rhoyde sa teacher na nasa clinic. Hindi siya nurse, pero may alam siya sa medicine.


"Anong nangyari?" Agad na tumayo si Ma'am Len para salubungin kami ni Rhoyde.


Inalalayan nila ako pahiga sa isang kama sa loob ng clinic. Halos dalawang kamay na ang gamitin kong pang-dagan sa ulo ko para lang mapigilan ang sakit.



"Anong nangyari?" Muling tanong ni Ma'am.



"Jihan.." Pagtawag saakin ni Rhoyde. Nang tignan ko siya ay nabasa ko ang Mukha niya na para bang humihingi ng permission saakin na sabihin ang kalagayan ko.



Umiling naman ako at naiyak nalang. Kapag nakarating ito sa pamilya ko ay ipipilit na nilang ipa opera kaagad ako.


"N-nauntog po siya.." Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kay Rhoyde dahil sa pagsisinungaling niya.


Napabuntong-hininga naman si Ma'am at kumuha ng ointment na mabisa raw pantagal ng kirot. Kaagad ko namang nilagyan ang isang parte sa sentido ko. Pagkatapos niyon ay kaagad din kaming umalis ni Rhoyde sa clinic at nagsimulang maglakad pabalik sa room.


"Ayos ka lang ba talaga?" Bakas na ang pag-alala sa hitsura at boses ni Rhoyde.



Sa tingin ko ay kailangan na ngang malaman ni Rhoyde..



"Mamaya.. may sasabihin ako." Ngumiti ako sa kaniya at nauna nang pumasok sa room.



Tatlong oras na ang lumipas nang matapos ang exams namin. Sa Hindi malamang kadahilanan ay tinakasan ko si Rhoyde at nauna nang bumaba kasama ang mga kaibigan ko. Natatakot pa rin talaga akong sabihin sa kaniya ang totoo. Natatakot akong masaktan siya, at natatakot ako sa magiging reaskyon niya.



When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now