Chapter 15

7 2 4
                                    


"He did what?"


Halos mapatayo ako mula sa pagkakahiga sa kama dahil sa sinabi ni Cassandra.


"Rhoyde confronted me. Selfish daw ako dahil hindi ko sinabi na nakakausap kita." Natawa pa siya. Inis akong umupo.



"Wala siyang karapatan para sabihing selfish ka. Kung siya nga ay walang ginawa para makausap ako." Umirap ako sa kawalan at muling humiga.




"Pero sa tingin ko after that confrontation ay ire-reach out ka na niya, Jihan. Ang tanong lang naman ay kung gusto mo pa ba siya kausapin o makausap. He still loves you, Jihan." Napapikit ako sa huling linya na sinabi ni Cassandra.




"Love..." Pag-ulit ko at napailing na natawa.




"Huwag mo sanang masamain, Jihan.. Pero, bakit hindi mo muna siya kausapin? Huwag kang magdesisyon agad lalo na't hindi ka naman niya kinalimutan."




Napatitig ako sa bintana at tinanaw ang langit. Napangiti ako nang makitang sobrang daming bituin sa langit ngayong gabi.




"Hindi ko kaya, Cas." Nanlulumong sagot ko. "Masyado ko na siyang nasaktan at napahirapan noong hindi pa ako naooperahan. At matinding sakit pa ang naibigay ko sa kaniya dahil sa hindi ako maka alala noong una. Pero masyado rin akong nasaktan dahil wala man lang akong narinig mula sa pamilya ko o saiyo na gumawa siya ng paraan para makausap ako."




Sinisisi ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay sobrang nahirapan din sa akin si Rhoyde. Naiintindihan kong...mahal niya pa ako. At mahal ko rin siya. Pero ang pagmamahal lang namin sa isa't isa ang lalong magpapasakit sa nararamdaman naming dalawa.




"Jihan, oo nga pala... Malapit na ang Christmas vacation. Naaalala mo pa naman si May 'di ba?" Muling bumalik ang isip ko kay Cassandra.




"Ah, oo." Agad kong sagot.




"Pupunta silang Baguio sa Christmas vacation. Kasama niya ang family niya. Gusto ka niyang makita. She'll message you, Jihan. Open your socials nalang."




Agad kong inilayo sa tainga ang cellphone at ipinunta sa socials ko para tignan kung friend ko pa ba si May. Napangiti ako dahil marami rin siyang message. Dahil nahihiya pa akong magreply ay sineen ko nalang muna siya, pati na rin ang iba naming kaibigan. Ngunit sa hindi inaasahan ay biglang bumilos ang tibok ng puso ko dahil sa pangalang lumabas sa screen ko.




Rhoyde Villoso (10 messages)




Gustong-gusto kong basahin ang mga message ni Rhoyde pero mas pinili kong iignore nalang siya at pinilit na huwag nang tignan pa. Para sa katahimikan nating dalawa itong ginagawa ko, Rhoyde...




"Magpahinga ka na, Jihan. Tatawag ulit ako kapag hindi na busy. I'll see you soon!" Hindi na ako nakasagot pa at hinayaan na si Cassandra na iend ang call namin.




Tahimik kong inilapag sa mini table ang cellphone ko at nahiga na bago tinanaw ang bintana kung saan kitang-kita ang langit. I used to tell Rhoyde to look up the sky, and when the sky cries, it means that I'm thinking of him. I wonder if it's already raining there, Rhoyde.




Kinabukasan, hindi ko inaasahan na si mama at papa ang bubungad saakin. Ilang araw din silang nasa Zambales at ngayon ay narito na ulit sila sa Baguio at sa pagkakataong ito ay kasama na si Eril at Eulline.




"Para kang itlog sa beanie mo, unnie!" Pang-aasar ni Eril dahilan para simangutan ko siya.



"Bagay ko nga raw eh!" Depensa ko. Sandali pa akong natauhan nang maalala kung sinong nagsabi niyon saakin!



When the Sky, CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon