Chapter 7

9 1 1
                                    


Dahan-dahan kong naimulat ang mga mata ko nang maramdaman ang sinag ng ilaw. Natagpuan ko ang sariling nakahiga sa hospital bed. Konti-konti ko ring inilibot ang paningin, at doon nakita ang pamilya ko. Si mama at papa ay mahimbing ang tulog na nakaupo sa couch. Si ate Jez ay nakaupo sa tabihan ng kama ko at tulog din.


Sinubukan kong iupo ang sarili ko at doon nakaramdam ng kaunting sakit ng ulo.



"Jihan!" Gulat na tawag ni Ate Jez sa pangalan ko at agad na lumabas ng kwarto. Malamang ay tumawag ng Doctor.


"Jihan." Kaswal na pagtawag ni papa sa pangalan ko. Si mama naman ay nakatingin lang saakin.


"Mabuti at gising ka na. How's your sleep?" Bungad ni Doc pagpasok ng kwarto.


Kailangan ko bang magsinungaling ulit? Hindi ako babalik sa Hospital na ito kung nalaman nilang hindi na ako umiinom ng gamot..


"I'm.. I'm not feeling well, Doc." Pag-amin ko. Naging matunog ang buntong-hininga ni mama ngunit hindi naging dahilan iyon para lingunin ko siya.


"Since your daughter is already awake.." Nilipat ni Doc ang paningin sa parents ko. "She needs to know." Nangunot ang noo ko. Pinanood kong tumango sila mama. Bigla namang humawak si Ate Jez sa kamay ko.


"Jihan.. your tumor isn't healing." Tumango ako kay Doc.


"I know." Mapait akong ngumiti.


"And you're aware." Hindi makapaniwalang singhal ni Doc. Nakangiti akong tumango.  "Why is that?"


"I.. I stopped taking my medicines.. a year ago." Nag-iwas ako ng tingin at narinig ang hindi makapaniwalang singhal ng pamilya ko. "Kahit na may pag-asa pa, ginive up ko na. Ayaw ko nang dagdagan ang sakit ng ulo ng pamilya ko---


"Pero dahil sa ginawa mo ay pinalala mo pa!" Natahimik ako sa biglang sigaw ni mama na ngayon ay umiiyak na. "Lalo mong pinapalala yung sitwasyon, Jihan!" Napahilamos na sa sarili si mama. Bigla naman ay natawa ako at umiling-iling pa.


"Now.. now I'm the bad guy?" Pinilit kong umupo hanggang sa mabuhat ko na ang sarili ko. "Hindi ba nahihirapan na kamo kayo na humanap ng pampa gamot saakin? Tinutulungan ko na nga kayong mapadali lahat! Pinapatay ko na yung sarili ko! Ano pa bang gusto niyo?!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko ay halos umalingawngaw na sa kwarto ang boses ko.


"Jihan!" Pagsasaway ni Ate Jez. Natatawa nalang akong umiling.


Umubo naman si Doc at umayos ng tayo. "I'd like to inform you, Jihan." Hindi ko nilingon si Doc. "That your tumor.. is now on stage three."


Stage three.. gaano nga ba kalala? Gaano nga ba nakakatakot ang sitwasyon ko ngayon?


"My team did some tests and.. found out that.. you are already in grade three tumor. Which the problem is... It's malignant."

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now