Chapter 12

6 2 1
                                    


Nagising ako nang maramdaman ang sakit ng ulo. Dahan-dahan kong inilinga ang mata nang mapansing iba na ang paligid ko. Pamilya na lugar. Ito ang kwarto ko dito sa Baguio. Oo nga pala't lumipat na ulit kami dito. 



Hawak ang ulo akong bumangon mula sa kinahihigaan ko at sumilip sa bintana. Madalas na kulimlim dito sa Baguio, which I love. I sighed and stood up. Agad kong napansin ang mga basic medical equipments sa tabi ng kama ko. It's been three days. 



"Gising ka na pala." Bungad saakin ng lola ko. Ngumiti ako at humalik sa pisngi niya. "Lumabas si mama at papa mo, inenroll ka. Mabuti at may school na pumayag na mag transfer ka sa kalagitnaan ng school year. Halika, kumain ka para makainom ka na ng gamot." Tumango ako at sumunod sa kusina. 



Nang madaanan ko ang salamin sa dingding namin ay malungkot akong tumingin doon. Dahil sa operasyon ay kailangan kong gupitan ang buhok ko. Buwan at taon pa ang hihintaiyin ko bago muling tumubo ang buhok ko. 



"Nakapag paalam ka ba sa mga kaibigan mo, Jihan?" Tanong ni Lola. Yumuko ako at pinakatitigan ang sahig.



I didn't had the chance to say goodbye to them. Biglaan ang naging pangyayari. Maski ako ay hindi naisip na sa isang iglap ay ooperahan na at nagkaroon pa ng temporary loss of memory.



I chose not to tell my friends about it. I trusted myself so much. Naalala ko pa rin sila. Nakalimot man ako ng panandalian, pero naalala ko rin sila kaagad.



From the past three days, my friend, Cassandra, never stopped asking updates about my recovery. At alam kong...sinasabi niya rin sa iba naming mga kaibigan ang mga nalalaman niya.



"Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na." Tumango ako at sinimulan na ang pagkain.



Nang matapos ay naisipan kong maglakad lakad malapit sa bahay namin. Since naninibago pa ako, I decided to wore my beanie. Hindi ako pinayagan ng pamilya ko na maglakad mag-isa kaya't sinamahan na ako ni ate Jez.



"Anong nararamdaman mo ngayon, Jihan?" Tanong niya habang naglalakad.



I looked away and put my hands inside my sweater's pocket.



"Hm, naninibago ako." Simpleng sagot ko. Sa ilang araw na namin dito sa Baguio ay hindi ko pa rin maiwasang manibago. Ilang beses na kaming nag stay Dito for vacation, pero kakaiba ang pakiramdam ngayon.



"Nabanggit sa'kin nila ma at pa na muntikan ka na you almost ended your life? Totoo ba iyon?" Hindi pa rin ako tumingin sa kaniya at humugot ng malalim na hininga.

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now