Chapter 10

6 2 2
                                    


Rhoyde's

"Rhoyde"  Agad akong napalingon sa tumawag sa pangalan ko. Ang papa ni Jihan.

"Sa tingin ko, kailangan mo na bumalik sa school. Kami na ang bahala kay Jihan." Nakangiting sabi ni Tito John at tinapik ang balikat ko.

"Gusto ko po sanang hintaying magising si Jihan." Sagot ko habang ang paningin ay nakay Jihan pa rin na mahimbing na natutulog sa kama.

Habang nasa kaniya ang paningin ay hindi ko na naiwasan ang maluha.  Nakakaawang pagmasdan si Jihan na walang malay sa hospital na ito. Pagod na pagod ang hitsura niya at parang hirap na hirap sa mga nakatusok sa kaniya.

Nang araw na malaman kong may sakit si Jihan ay para akong binuhusan ng kumukulong tubig at sobrang lamig na tubig. Bukod sa hindi ako makapaniwala ay hindi ko lubos maisip na magkakaganito siya.

"Hindi ko alam kung anong ginawa ko para magkaganiyan ang anak ko, Rhoyde." Naagaw ni Tito John ang atensyon ko ngunit ang paningin ko ay nanatili pa rin kay Jihan.

"Hindi ako perpektong asawa. Hindi ako perpektong ama. Ang tanging hangad ko lang naman ay mapabuti ang mga anak ko. Pero..." Yumuko ako at pinakinggan lang si Tito John. "Bakit nangyari ito kay Jihan?" Emosyonal na dagdag.

Kahit hindi nagkukwento si Jihan saakin tungkol sa mga problema o iniisip niya, alam kong sobrang bigat ng pinagdadaanan niya. Tandang-tanda ko pa noong sinabi ni Cassandra na hindi na nagkukwento si Jihan sa kaniya, iyon din ang mga panahong napapansin ko nang laging sumasakit ang ulo ni Jihan. Mula noon ay sinarili na ni Jihan lahat. Maski ang maliliit na bagay na palagi niyang ikinukwento ay nawala na.

"Pumasok ka na, iho. Ihahatid ka ni Ate Jez mo." Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag at tumango nalang sa sinabi ni Tito John.

Bago pa man ako lumabas ng kwarto ni Jihan ay nilapitan ko muna siya bago hinalikan sa noo. "Mahal kita."

"Mauna na muna po ako." Pagpapaalam ko sa mama at papa ni Jihan bago sumama kay Ate Jez palabas ng hospital room ni Jihan.

Nang maihatid ako ni Ate Jez sa school ay naabutan ko ang mga kaklase naming takang nakatingin saakin. Ang adviser naman namin ay alalang nakatingin saakin.

"Pinatawag lang siya sa faculty. Sige na maupo ka na, Rhoyde." Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Sir Jom dahil pinagtakpan niya kami ni Jihan o dapat ba akong mas mag-alala dahil wala pa ring kaalam-alam ang ibang kaibigan ni Jihan.

Buong oras ng klase ay wala sa ayos ang takbo ng isip ko. Pasalamat nalang din ako dahil hindi ako tinatawag ng adviser namin para sumagot sa mga tanong niya. Nang matapos naman ang klase ay natanaw ko si Cassandra na wala sa sariling lumabas ng classroom kaya kaagad ko siyang sinundan ng patago.

Natagpuan ko ang sariling nakasunod kay Cassandra sa tabi ng building ng senior high school. Dito sila madalas tumambay ng mga kaibigan nila. Nang Makita kong umiiyak siya ay wala na akong nagawa kung hindi ang bumuntong-hininga nalang at maglakad paalis.

"Bwiset na saranggola!" Dinig kong sigaw ni Camilla mula sa corridor. Natatawa naman akong umiling at pumasok na ng classroom.

"Oy, Rhoyde! Nasaan si Jihan?" Napalingon naman ako kay Cheonsa nang tawagin niya ako at tanungin.

"Pinauwi siya. Masama yung pakiramdam niya." Simpleng sagot ko at tinalikuran na si Cheonsa.

Sa buong maghapong nasa eskuwelahan ako ay para akong lutang na lutang. Pakiramdam ko ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katauhan ko. Hindi ako makaramdam ng saya kahit pa kasama ko ang mga kaklase namin at ang mga tropa ko.

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now