Chapter 5

7 2 3
                                    

tw: self-harm , curses



Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ang malakas na kulog. Ang paningin ko ay nalipat sa bintana ng kwarto ko. I sighed. Umuulan pala. Sa napaka-tahimik na  gabi ay nariyan ang malakas at maingay na ulan na gumising saakin. Sadya nga ba akong ginising ng ulan para samahan siyang mag-ingay ngayong gabi? O ginising niya ako para samahan akong magluksa ngayong gabi? 


Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo para makalapit sa bintana. Marahan kong hinilot ang sentido kasabay ng tahimik na pag-iyak. 


"Hindi ko na alam kung anong nangyari kanina..." Naiiyak kong bulong. 


I found myself holding a cutter. "Mamatay din naman ako sa sakit ko, bakit hindi ko pa uanahn yung sarili ko?" I smiled and started to stab myself. 


Funny how careful I am while stabbing myself. Gusto kong tapusin na ang buhay ko pero bakit parang iniingatan ko pa? 


"Hindi ba mas exciting kung dahan-dahan kong papahirapan yung sarili ko?" Natatawa ko pang bulong. "You're crazy, Jihan. You're out of your mind." 


I continued stabbing myself until it bleeds. Hindi pa ako nakuntento at dinamihan pa ang ginawang sugat sa pulsuhan. Magkabilang pulsuhan. 


"Jihan!" 


I unconsciously dropped my cutter when I heard my mom's voice. I automatically stood up and hide my arms behind me. 


"Ano bang ginagawa mo?" Galit na lumapit si mama at sapilitang kinuha ang dalawang braso ko. Tumambad sa kaniya ang parehas na brasong dumudugo. 


"Punyeta ka! Magpapaka-matay ka ba talaga?!" Hindi ako nakasagot at padabog na tumakbo papasok sa banyo at doon hinugasan ang mga sugat ko. 


"Hirap na hirap na nga kaming mag-isip kung paano susolusyunan 'yang sakit mo, dadagdagan mo pa! Ano bang pumasok sa utak mo ha Jihan? Nag-iisip ka ba?!" Patuloy pa rin ang sermon ni mama na nasa salas. 


"Ano ba 'yon?" I heard my dad's voice. Mukhang nagising siya. 


"Iyang anak mo hindi na nadala! Hinimatay na nga e magtatangka pang magpakamatay!" I sighed and wiped my tears. 


Nakababa ang tingin kong lumabas ng banyo at kinuha ang first aid kit na nakalapag na ngayon sa lamesa. 


"Ano ba naman 'yan, Jihan.." Hindi makapaniwalang sabi ni papa. Nanlulumo siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang med kit para gamutin ang sugat ko. 


"Ginagawa namin ang lahat para mabuhay ka, Jihan! Tapos tatapusin mo lang!" Hindi pa rin tumigil si mama sa kakasigaw. 


"Tumigil ka na!" Umalingangaw ang malakas na sigaw ni papa dahilan para matahimik si mama. Iiling-iling siyang tumingin kay papa at padabog na pumasok ng kwarto. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now