Chapter 27

5 0 1
                                    


"Anong sabi ng mga pulis?"


Iyan ang bungad na tanong saakin ni Fath pagkarating ko ng Law Firm.


"Iimbistigahan daw nila. Susubukan nilang kumuha ng kopya ng CCTV sa building na 'yon." Simpleng sagot ko.



"Oo nga pala, Fath. Pupunta kami ni Mr. Guevas sa himpilan mamaya. I'll introduce you to Mr. Villoso." Dagdag ko. Seryoso naman siyang tumingin saakin bago dahan-dahang tumango.



Fath handled several criminal cases. Most of them are not guilty. Mga inosenteng tao na napagbintangan o naituro ang inilalaban niya. Pero sa kasong 'to, we're not even sure if Rhoyde's guilty or innocent.




"Heto ang contact number ng kaibigan ni Mr. Villoso na kausap niya noong oras na namatay yung biktima. Pwede mo siyang kausapin at humingi ng mga detalye. Inilagay ko na rin sa mga papel na iyan yung ibang details galing sa kaniya." I handed my documents to Fath.



"Kelan ang alis mo?" She asked.



"The day after tomorrow." I smiled.




"Sigurado ka bang gusto mong tanggapin yung offer sa Hawaii?" Naniniguradong tanong ni Fath.




"I need this offer, Fath. Bago lang tayo sa career natin. We need more experiences." Simpleng sagot ko sa kaniya.




After that conversation with Fath, I decided to go back to work. Inasikaso ko yung ibang mga kaso ng kliyente ko at ipinasa na sa mga bago nilang abogado. Mr. Estala helped me with my clients. Kinuha ng ibang mga abogado ni Mr. Estala ang ibang mga kasong hawak ko.



"Let's go."  Sabay kaming tumango ni Fath kay Mr. Guevas bago bumaba ng sasakyan niya.



Habang papalapit sa kwarto kung saan namin tatagpuin si Rhoyde ay mas kumakabog ang dibdib ko. Naki usap din ako kay Mr. Guevas na huwag banggitin kay Rhoyde ang tungkol sa nangyari sa unit ko. Wala rin namang rason para malaman niya.



"Marc." Iyon ang bungad ni Rhoyde saamin. He looked me and smiled before smiling to Fath.



"Belated happy birthday." Aaminin kong nagulat ako sa pagbati na iyon ni Rhoyde. Naalala niya pa rin pala.




Tumango nalang ako at ngumiti.




"I'm with Attorney Layda and Attorney Faith Annalise Valenza. Attorney Valenza will replace Attorney Layda."  Fath greeted Rhoyde. Halata sa reaksyon ni Rhoyde na naiilang siya.



"Buti naman at binitawan mo na ang kaso ko, Jihan." Napapangiti niyang sabi.



"Attorney Layda." I corrected. Pinanood ko naman ang pagtango niya. "I'm going to Hawaii that's why Attorney Valenza will replace me as your lawyer, Mr. Villoso." Nanatili pa rin ang paningin niya saakin.



"Next week ang first hearing ng kaso mo. Sa tingin ko ay matatapos ang mga hearing sa loob lang ng isang linggo na iyon. Sa huling hearing natin malalaman if you're guilty or not, Mr. Villoso. That's why, I want you to cooperate and tell me everything."




Hinayaan kong mag-usap si Fath at Rhoyde. At gaya ng mga sinabi ni Rhoyde saakin noong ako ang nagtatanong sa kaniya, ganoon pa rin ang mga isinasagot niya ngayon kay Fath. Hindi nagbago ang mga statements niya. Kahit isang bago man lang ay wala akong narinig. I hope he's really telling the truth.




After an hour, they ended their conversation. Ramdam na ramdam ko pa rin ang paningin ni Rhoyde saakin. Mabigat ang mga tingin niyang iyon dahilan para hindi ako maging komportable.




When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now