Chapter 25

5 0 3
                                    


"Pabalik na raw si Fath dito sa Pinas." 


Nailipat ko ang paningin ko kay Jesse na abala sa pagkain niya ng lunch. Naibaba ko naman ang case book na hawak ko at itinaas ang dalawang braso sa ere para maunat. 


"Tapos na seminar niya?" Tanong ko at binuksan na ang baon kong lunch. Tumango naman si Jesse at inabot ang cellphone niya para ipabasa ang message ni Fath. 


"Ikaw? Sayang naman yung offer sa'yo kung papalampasin mo 'yon, Jihan." Bahagya akong napagisi sa sinabing iyon ni Jesse. 


"I already accepted the offer, Jesse. I'm leaving next week. Two days after my birthday." Sagot ko at ngumiti. Bigla naman siyang nabilaukan!


"Uuwi na nga si Fath tapos ikaw naman yung aalis?" Pinalo ko siya ng malakas dahil sa reklamo niya.


"Sabi mo sayang? Tapos ngayon? Parang nagrereklamo ka? Ano ba talagang gusto mo?" Umirap ako sa kaniya at niligpit ang baon ko. 


"Saan ka pupunta?" Tanong niya nang maglakad ako palayo. 


"Uuwi na! Out ko na!" Kumindat ako sa kaniya bago lumabas ng firm. Dala ko na rin ang mga gamit ko. Ewan ko ba sa lalaking 'yon! 


Nang makauwi ay kaagad akong nag half bath at nagbihis ng comfy outfit. I'm planning to go to my friends' house. I put light make up and drove to their house. 


"Jihan!" Masayang sigaw ni Marie. Nandito pala 'to. 


"Kumpleto ah? Wala kayong trabaho?" Nakangiti kong tanong sa mga kaibigan ko at yumakap kay Marie. 


"Anong kumpleto? Ang Camilla ay wala! Nakipag date sa ex!" Natatawang sabi ni Cheonsa. Nanlaki naman ang mata ko at natatawang itinaas ang alak na dala ko. 


"Ayan ang gusto ko!" Sigaw ni Marie at inagawa ang alak saakin. 


Nagluto si Mercedes ng sizzling hotdog para raw pulutan namin dahil iyon lang ang meron sa ref nila. Mabuti nang meron kaysa wala!


"Kumusta yung bahay na binili mo, Marie?" Taka akong tumingin kay Marie sa tanong ni May. Bumili na pala siya ng bahay?


"A-ano.." Aligaga niyang ibinaba ang shot glass na hawak dahilan para mas magduda ako. Hindi siya yung normal na nagulat. "Nabili ko na. Baka lilipat na ako doon next month. Sa condo ako ngayon tumutuloy." Sagot niya uminom ng alak. 


"Namiss ko na sa condo mo, Marie! Pasilip naman ulit!" Si Cheonsa. 


"Ha! Bakit? Kailangan pa ba 'yon? 'Wag na!" Kaagad na sagot ni Marie. Humarap naman siya saakin at ngumiti. 


"May kiss mark ka." Biglang sabi ni May na kinagulat ko. Gulat namang humarap sa kaniya si Marie. "Charot! MAsyado ka naman kasing seryoso!" Natatawang sabi ni May. 

When the Sky, CriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon