Chapter 23

5 0 0
                                    

I was spaced out the whole time. I couldn't even focused on doing my works. Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa ang dapat na tumayong abogado para kay Rhoyde. Mayroon siyang karapatan at kakayahang pumili ng abogadong magrerepresenta sa kaniya. Kung hindi niya man kaya ay ang korte ang magbibigay sa kaniya ng abogado at hindi kami mismo ang lalapit sa kaniya para irepresenta siya.

"Attorney Layda."  Gulat akong napatingin sa pumasok ng office ko. Agad akong napatayo at lumapit para bumati.

"CEO Estala." Gulat ko pa ring sabi. Nakipag kamay ako at isinenyas na umupo siya sa couch.  "What brings you here, Sir? How can I help you?" Sinubukan kong huwag mautal kahit na sobrang gulo ng utak ko.

"I heard that you'll represent a criminal in court." Napalunok ako dahil sa sinabi niyang iyon.

"Mr. Guevas told me to represent Mr. Villoso, Sir." Ngumiti ako at sinikap na labanan ang matatalim na tingin ni Mr. Estala.

"I didn't know that you're also handling a criminal case...and a criminal itself." Napakurap ako dahil sa sinabing iyon ni CEO Estala.

"I.. I was ordered to represent a client in court, Sir. I might lose my job if I rejected this client." Pinangunutan ako ng noo ni CEO Estala at natawa pa sa sinabi ko.

"How can you be so sure that your client is innocent, Attorney Layda?" Inayos ni CEO Estala ang upo niya na para bang naghihintay ng magandang isasagot ko. Napaupo rin ako ng maayos at umubo pa.

"Innocent until proven guilty, Sir." Tumango-tango pa ako. "Excuse me, I need to go to Mr. Guevas. We're on our way to Mr. Villoso." Tumayo ako bago kinuha ang brief case ko at muling humarap sa kaniya.

"I'll go ahead, Sir." Tinanguan niya lang ako dahilan para talikuran ko na siya at inis na pumunta sa office ni Mr. Guevas.

"You're just in time, Attorney Layda. Let's go." Naunang mag lakad si Mr. Guevas kaya't agad ko siyang sinundo.

We used Mr. Guevas' car and drove it on the nearest Police Station kung saan pansamantalang nakakulong si Rhoyde. I can almost feel my heartbeat's beating fast. Hindi ko naman inexpect na ganito pala ang magiging pagkakita natin after a very long time, Rhoyde.

"We're here to see Mr. Villoso. She's his lawyer." Itinuro pa ako ni Mr. Guevas sa police na nagbabantay.

"Paki-hintay nalang siya roon." Turo ng police sa loob ng isang silid. Parehas kaming tumango ni Mr. Guevas at pumasok na doon bago naupo sa may lamesa.

"You seemed uneasy, Attorney Layda. Is there something wrong?" Nagtatakang tanong ni Mr. Guevas na mukhang hindi na maipinta ang mukha.

"Wala po. May iniisip lang." Sagot ko at ngumiti bago naglabas ng mga papel at laptop.

"Marc!"

Halos mapatayo ako nang marinig ang pamilyar na boses. Gulat akong tumingin kay Rhoyde na nakasuot na ng orange shirt na kapareho sa mga nakukulong. Taka ko siyang pinanood na yumakap kay Mr. Guevas.

"Later." Parang nangangaral pa ang boses ni Mr. Guevas at tumingin saakin. "She will be your lawyer. Attonery Jihan Layda."

Hindi pa rin naaalis ang paningin ko kay Rhoyde. Gulat siyang tumingin saakin. Sa sobrang gulat ay halos suriin niya na ang kabuuan ko. Hindi ko rin naiwasan ang suriin ang kabuuan niya. Malaki at naging maskulado ang katawan niya. Halatang-halata rin sa hitsura niya na puyat siya at stressed na.

"Uhm.." Inayos ko ang blazer ko at lumapit sa kaniya. Parang nanlulumo niya naman akong tinignan. "I'm Attorney Jihan Layda. I'll be your lawyer. I'll represent you in court." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at seryosong tumingin sa kaniya.

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now