Chapter 3

10 2 1
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos papasok ng school. Kahapon ay walang pasok dahil sa school namin ginanap ang Municap Pressconference. Ngayon ay exam, pero mabuti nalang at exempted kaming mga lumaban kahapon. Papasok lang kami para magpakita sa principal namin at pagkatapos niyon ay uuwi na para makapag-aral pa. 


"Uy galing niyo kahapon ah." Tuwang-tuwang sabi ko kay Cassandra. Bumiti naman siya sa braso ko at ngumiti. 


"Thank you!" Masaya niyang sabi. "Congrats din sa inyo." Ngumiti lang ako sa kaniya bago muling nagseryoso. 


"Alam mo ba, napili kami ni Jernah, Leslie, Rose at Rhoyde na sumayaw para sa foundation day. KAsali rin sila Erika, Jade, Andrei, at Lesther." Nakangiti niyang dagdag. "May ibang grade rin. Mga grade nine at yung iba grade ten." 


"Anong sasayawin ninyo?" Curious kong tanong. 


"Hmm, hindi ko alam. Ime-meeting kami mamaya bago tayo umuwi." Hindi na ako sumagot sa kaniya at sabay na kaming naglakad papunta sa faculty room. Naroon na lahat ng kasali sa pressconference kahapon. 


"Congratulations, students. Kahit na hindi nanalo ang iba sainyo ay nairepresent niyo pa rin ng maayos ang ating school." Nakangiting sabi ng principal namin. 


Tumagal pa ang pag-uusap namin sa principal hanggang sa ianunsyo niyang magkaroon ng sayaw ang lahat ng mga estudyante na hindi mapipili na mag perform sa foundation night. Required iyon kaya no choice. PWede rin namang sumali sila Cassandra sa sayaw na sasayawin ng lahat kung gugustuhin nila. Pero sila na mismo ang tumanggi dahil sa umaga magsasayaw ang lahat at diretso sa gabi magsasayaw sila Cassandra. Maliban kay LEslie dahil siya ang maghahawak ng Santo Nino.


Nang humiwalay na ang grupo nila Cassandra ay hindi ko na nakita pa si Rhoyde dahil kasali siya kila Cassandra. Oasiwas Folkdance ang sasayawin nila. By partner. Sino kayang magiging partner niya? Bumuntong hininga nalang ako at naglakad na papuntya sa hallway para pansamantalang magpahangin at umupo muna. Napag-desisyunan kong hintayin si Cassandra dahil paniguradong maraming kwento iyon.


"Hindi ka pa uuwi?" Nag-angat ako ng ulo sa narinig na boses. 


Ngumiti ako at umiling. "Upo ako ah?" Paalam niya kaya tumango ako at umusod.


"Girl, sobrang stressed ako kahapon sa MSPC natin!" Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Gabrielle, my boy bestfriend. Pero third year high na siya. 


"Totoo! May doubt pa nga rin ako kung may kulang ba sa mga ginawa ko!" Natatawa ring sagot ko.


Nagpatuloy ang kwentuhan namin ni Gabrielle at umabot iyon ng kalahating oras. Natigil lang kami nang matanaw namin si Cassandra na kasamang naglalakad si Rhoyde. Ano kayang pinagkukwentuhan nila at sobrang seryoso ng usapan nila?


"I'll go na, Jihan." Paalam ni Gabrielle at bahagyang ginulo ang buhok ko bago kinurot ng mahina ang pisngi ko. Nanlalaki ang mata kong sinundan siya ng tingin palayo. 


"Hindi ka pa pala umuwi." Seryosong sabi ni Rhoyde na malayo ang tingin. Tumango ako at lumapit na kay Cassandra na salubong ang kilay na nakatingin saakin. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now