Chapter 26

5 0 5
                                    

"Attorney Layda."


Napapikit ako nang marinig ang boses ni Mr. Guevas. It's my birthday! Give me a break! 


"Happy birthday." Nangunot ang noo ko sa pagbati ni Mr. Guevas kasabay ng pag-abot saakin ng isang medyo malaking box na may balot na pang birthday.


Nag-aalangan ko iyong tinanggap. "Thank you, Sir." Sagot ko at hinawakan ng mahigpit ang box.


"Hindi pa rin nagbabago isip mo?" I knew it.

"I won't change my mind, Mr. Guevas. I thought I already made myself clear to you." Medyo napangisi pang sabi ko. "Excuse me, Sir. I have a lot of work to do." Yumuko ako sa kaniya bago siya tinalikuran at dumiretso sa office ko.


Hindi ko pa man tuluyang naibababa ang gamit ko sa lamesa ay tumunog na ang cellphone ko.



May is calling..




"Happy birthday!" Bungad niya pagkasagot ko ng tawag.



"Thank you, May! May duty ka?" Tanong ko.



"Wala! Buti nalang wala! Para naman makapag prepare ako para sa celebration mo mamaya! Hirap mong regaluhan e!" Natatawang sabi niya sa linya niya.



"Si Cassandra? May duty ba? Sila Marie? Camilla? Shean? Cheonsa?" Sunod-sunod kong tanong.



"Umalis si Camilla, bumili ng regalo sa'yo. Yung apat hindi ko alam." Sagot ni May.



"Hindi niyo naman kailangang gumastos para regaluhan ako." Natatawa kong sabi bago inilagay sa loud speaker ang phone ko at ipinatong ito sa lamesa bago nagsimulang mag-ayos ng mga papeles ko.



"Nakakahiya naman kasi sa abogada!" Napailing naman ako at natawa dahil doon.



"I'll see you later, May. Bye!" Paalam ko bago pinatay ang call.



"Happy birthday!" Gulat akong napatingin sa pumasok ng office ko. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtantong si Fath at Jesse iyon!



"Fath!" Kaagad ko siyang niyakap at humalik sa pisngi niya.




"I'm back, girl!" Fath flipped her hair and kissed my cheeks.



"Ayaw magpasabi e. Nagulat din ako nasa baba na namimigay ng chocolate." Natatawang sabat naman ni Jesse at iniabot saakin ang isang paper bag.



"Regalo ko 'yan sa'yo! Ngayon ko lang talaga na-confirm na ang hirap mong regaluhan." Natatawang sabi pa ni Jesse. Ngumiti naman ako sa kaniya at tinanggap iyon.



"Thank you." Ngumiti ako at inilapag iyon sa lamesa ko.



"Kanino naman galing 'yang box na 'yan? Inunahan pa ako mag-abot ng regalo." Nakangusong sabi ni Fath at itinuro iyong binigay ni Mr. Guevas bago inabot saakin ang mamahaling paper bag. Luxury!



"Taray, daming budget." Pang-aasar ko. "Galing kay Mr. Guevas 'yan. Feeling ko nga niregaluhan ako para pilitin akong huwag nang bitawan ang kaso ni Rhoyde." Nanlaki naman ang mata ni Fath dahil sa sinabi ko.



"Ikwinento saakin ni Jesse ang mga pangyayari! Updated ako!" Fath winked at me. I glared at Jesse.



"E sino nang magiging abogado ni Rhoyde?" Tanong ni Jesse.



"Si Fath." Seryoso kong tinignan si Fath. I already think about this the whole time last night.



"Ako?" Gulat na tanong ni Fath.



When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now