Chapter 4

9 2 1
                                    

"Gising na si unnie!"


Dahan-dahan kong iminulat ang mata saka naaninag ang liwanag na nanggagaling sa itaas.


"Tawagin mo si Doc." Dinig ko ang boses ni papa. Sinikap kong igalaw ang katawan ko ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay sobrang pagod ako kahit na wala naman akong ginawa.


"Anong nararamdaman mo?" Dahan-dahan kong nailipat ang paningin kay mama na nakatingin saakin.


"Nahihilo pa rin." Pabulong kong sagot at umayos ng higa.


"Check her vital signs." Boses iyon ni Doc. Pinanood ko naman ang nurse na i-monitor ang blood pressure ko.


"Normal na, Doc." tumango si Doc bago lumapit saakin.


"Anong nararamdaman mo, iha? Nahihilo ka pa rin ba? Nasusuka?" Mausisang tanong ni Doc.


"Nahihilo pa rin po at.. parang pagod ang katawan ko." Tumango siya at inilipat naman ang paningin sa pamilya ko.


"Nakaranas ng seizure ang pasyente. A patient can experience seizures lalo na kapag kulang sa tulog. Loss of consciousness, breathing problems, and so on." Panimula ni Doc.


"Napapadalas ba ang pagkahilo mo, iha?" Tanong ulit ni Doc. Nahihiya akong tumango. Doon ay bumuntong-hininga siya.


"Ayon sa diagnosis ko, your daughter have a brain tumor."


Sandali akong napakurap dahil sa sinabi ni Doc. Brain tumor? Does it mean... I'm going to die?


"Maaari pa siyang gumaling with proper medications and treatments. Sa ngayon ay Grade 1 palang ang tumor niya. In short, noncancerous pa."


Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na noncancerous ang brain tumor na sinabi ni Doc. May parte saakin na natatakot ako dahil... Wala siyang binanggit kung benign ba o malignant.. Dahil sinabi niyang noncancerous, ibig bang sabihin ay benign ito?


"Anong medications ang kailangang gawin, Doc?" Si papa ang nagtanong.


"Chemotherapy or surgery will do. We still need to do some tests and monitor her condition. Hindi pwedeng kaagad-agad ay operasyon Lalo na kung pwede pang madaan sa gamutan."


"Anong cause ng brain tumor.. doc?" Nahihiya man ay nilakasan ko na Ang loob Kong magtanong.


Doc smiled at me. "Mostly, maaari Kang magkaroon ng brain tumor kung mayroong history sa family ninyo. Pwede ring dahil sa pagpupuyat o sleeping problems, fatigue o sobrang pagod. Hindi ko masabing dahil sa stress."


Sandali pang nagpaliwanag at nakipag usap si Doc sa parents ko bago tuluyang lumabas ng hospital room ko. Tahimik ang lahat. Hindi ko alam kung nagpipigil lang ba Sila ng galit dahil Wala kami sa lugar, o tahimik sila dahil natatakot sila sa pwedeng mangyari.


Kaya pala.. napapadalas ang pagsakit ng ulo ko. Hindi ko alam na brain tumor na pala. Pero, sobrang biglaan naman.


Dalawang araw pa ang inilagi namin sa hospital bago tuluyang makauwi. I haven't heard anything from my parents since my doctor informed us about my brain tumor. Nakakatakot ang katahimikan nila. At natatakot ako sa sobrang ingay ng utak ko ngayon.


Sa dalawang araw na hindi ako kinakausap ng parents ko ay maraming tanong ang nabuo sa isipan ko. Worth it bang magkaroon ako ng sakit na ganito? Deserve ko ba? Hindi ko malaman kung anong iisipin. Hindi ko rin alam kung anong gagawin. Should I tell my friends? Should I tell Rhoyde? What if I die?


When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now