Chapter 14

5 0 0
                                    


"Alone?"

I gasped when I heard Uno's voice. I immediately closed my journal and faced him.

I nodded and put my journal inside my bag. "Mm, pinatawag si Madel sa office." Ngumiti ako at nag-alangang nag-iwas ng tingin.

"Tara." Kunot-noo akong napatingin sa kaniya. "May alam akong lugar dito sa school. Baka sakaling hindi ka pa naidala roon ni Madel." Ngumiti siya at inilahad ang kamay saakin dahilan para sundan ko iyon ng tingin.

Nagtataka ko siyang tinignan. "Oh! Nag-aalala ako baka mapano ka kaya... Mind if I hold your hand?" Hindi ko naitago ang panlalaki ng mata ko dahil sa sinabi niya. PDA iyon!

"Uh, hindi na." Tumango ako at umiling. "Tara." Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Okay." Ngumiti pa siya at iginaya ang daan.


Natagpuan ko ang aming mga sariling naglalakad papalapit sa isang malaking kubo. Tahimik dito at hindi ko maitatangging puro tanim kaya nakakarelax din.


"Bago lang 'to dito sa school. Project 'to ni Madel." Ngumiti siya at pumasok sa kubo. Sumunod naman ako sa kaniya at doon ay naabutan siyang nakapikit.


Tahimik ko siyang pinag masdan bago umupo 'di kalayuan sa kaniya. Napaka kalmado niya at parang walang dinadalang stress dahil hindi halata sa hitsura niya. Pero... nagtataka pa rin ako kung bakit isinama niya ako dito.


"Huwag mo akong titigan." Automatiko akong napaiwas ng tingin kasabay ng pagmulat niya.


"Hindi kita tinititigan, feeling ka." I denied. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Nakakainis dahil pati pagtawa niya ay ang gwapo pakinggan!


"Oh, you changed your beanie." Ramdam na ramdam ko ang pagkahiya dahil sa sinabi niyang iyon. Palibhasa'y kulay pulang beanie ang suot ko ngayon na sinabi niyang bagay ko raw!


"Ah, pinasuot saakin 'to ng ate ko." Natawa pa siya na para bang alam niya na hindi totoo ang sinabi ko!



"I was right. Red beanie looks good on you." Uno smiled at me and shooked his head. 


"Do you have a boyfriend, Jihan?" Gulat ko siyang tinignan. We all know that if a guy asks if you have a boyfriend, it means the guy who asked you is interested on you. O baka naman paniniwala ko lang iyon?



"Ah.." Umayos ako ng upo at umiling. "I had a boyfriend." Tumango-tango pa ako.



"Had?" Uno formed an amusement smile. "What happened? If it's okay with you if I ask."



"He... Uh..." Nag-iwas ako ng tingin at yumuko. "He never contacted me since the day of my surgery. Hindi ko alam kung may paki-alam ba siya saakin o ano. Wala ring nabanggit ang pamilya ko na kinukumusta niya ako. Ang masakit pa... hindi ko alam kung ako pa ba." Natawa pa ako sa huling linyang sinabi ko.



"Ang cringe, sorry." Napailing pa ako at natawa.



"Oh wait, so... No formal break up?" Taka niyang tanong. Dahan-dahan akong tumango.

"So... para sa'yo, wala na kayo?" Tanong niya pa.  "Baka naman hindi niya lang alam paano ka kakausapin.. Maraming what if's, Jihan." Tumango ako sa sinabing iyon ni Uno.

"Alam kong maraming what if's. I'm aware of that. I expected too much from him kasi.. that's why... you know.. I'm hurt." I smirked.  "Too much expectation leads you to disappointment." Pagpapatuloy ko.

"If I were him, kakausapin na kita. Mahirap na. Baka wala na siyang balikan." Muli akong nag-angat ng tingin at tumingin kay Uno dahil sa sinabi niya.

Natawa pa ako bago umiling at tumayo. "Hm, wala na nga siguro. I want to focus on my recovery. Baka hindi ko na kayanin kapag nasaktan pa ulit ako." I let out a deep sigh. Natawa naman siya at tumayo.

"That will never happen." Ngumiti siya at umakbay bago kami nagsimulang maglakad.

"And why is that?" Kunyari pang tanong ko.

"Parang ang hirap hirap mo kasing saktan." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Why? Are you planning to hurt me?" Pinandilatan ko siya ng mata na kunyari ay iniintriga siya.

"Look like you'll be the one who's going to hurt me, Jihan. I'm not the type of guy who likes hurting a girl." Napahinto ako sa paglalakad. Ngumiti pa siya bago ipinasok ang mga kamay sa bulsa niya bago naunang maglakad.

Napasinghal ako at hindi makapaniwalang natawa pa! "At ako pa ang may urge na manakit ngayon ah?" Natawa pa ako at napahawak pa sa bewang.

"Parang ang unfair naman. Ako ang sinasaktan nila pero ako pa ang may possibility na manakit ngayon? Wow!" Napailing nalang ako at natatawang sumunod na kay Uno.

"At saan ka galing?!" Nakataas ang kilay na tanong ni Madel pagpasok ko sa classroom. Nahagip naman ng mata ko si Uno na nagbabasa sa libro niya.


"Naglakad lakad lang kami ni Uno." Mahinang sabi ko at tumabi kay Madel.

"Pero hindi kayo magkasabay na dumating?" Tanong niya at inilabas ang baon na snack.

"Iniwan ako eh." Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"Kayo ha! Anong meron sainyo?" Pinanliitan ako ni Madel ng mata at nagsimulang kumagat sa baon niyang sandwich.

"Wala naman." Simpleng sagot ko at muling tinignan si Uno na nakangiti na ngayon habang nagsusulat. Nababaliw na ba siya?

"Mukhang si Uno pa ang natamaan sa ulo ah? Tignan mo parang sirang ngumingiti." Natatawa kong bulong kay Madel. Nabigla naman ako dahil sa biglang pagkurot niya!

"Aray ko naman Chantria!" Reklamo ko at talagang isinigaw ang second name niya sa maling pronunciation!

"Gusto mo na siya noh?" Natatawang tanong ni Madel at inabutan ako ng sandwich.

"Bakit mo naman naisip iyan?" Natatawa kong tanong at kumagat sa sandwich niya.

"Why not?" Tanong niya pabalik.

"Hindi naman mahirap gustuhin si Uno. Hindi lang din madali." Kumunot ang noo ni Madel sa isinagot ko.


"May difference ba?"


Tumango ako at pinagmasdan si Uno. "Hindi siya madaling gustuhin dahil mabait siya at halatang totoo siya bilang tao. Pero, hindi madali dahil natatakot ako. Bukod sa hindi ko pa nakakausap si Rhoyde, hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa Baguio." I took a deep breath and smile.


Dinig na dinig ang pag buntong-hininga ni Madel dahilan para muli akong mapatingin sa kaniya. "Siguraduhin mo lang na magiging okay ka. Hindi rin natin masasabi na walang masasaktan sainyong dalawa if ever, Jihan." Ngumiti siya bago tumayo ako naglakad palabas ng room.


Muli akong tumingin kay Uno na nakatingin na saakin ngayon. He's holding a piece of paper. Automatiko akong napangiti nang mabasa ang nakasulat doon.


"Smile."



Ramdam na ramdam ko ang bilis at pagkabog ng puso ko. Agad akong tumalikod at pumikit.


Suddenly, I remember his name. Rhoyde...





-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now