Chapter 20

6 0 0
                                    


"Nag-uusap na ulit kayo 'noh?" 


Marie immediately looked around after I asked my question. 


"Huwag mo na ulit tatanungin saakin 'yan ah!" Bulong niya. Pinangunutan ko naman siya ng noo. 


"Bakit naman? There's nothing wrong with my question unless--" My eyes widened after the realization. "What?!" 


"Ingay mo." Bulong niya at muling nag solve ng ipapasa niya mamaya. Nakangiti naman akong tumitig kay Marie. 


"Kailan pa? Kaloka! Masagana na naman ang love life mo!" I winked at her. Nag 'shut up' sign naman si Marie ar itinuro ang nasa likuran ko kaya naman kaagad ko iyon  nilingon. I saw our friends walking towards us. 


"Kapag nalaman ni Mercedes 'to, iiyak na naman 'yon." Seryosong sabi ni Marie bago muling tumingin sa'kin. "Sa tuwing naaalala niya si Jan, umiiyak siya." Natahimik naman ako doon. 


"Ang seryoso niyo naman!" Ingay agad ni Camilla ang sumalubong saaming dalawa ni Marie. 


"Si Cassandra?" Tanong ko nang mapansing hindi sila kumpleto. 


"Nandoon, kasama si Geoff." Si Cheonsa ang sumagot. Tumango nalang ako. 


"Buti pa si Cassandra maganda ang love life!" Reklamo ni Mercedes. Nagkatinginan naman kami ni Marie. "Kaya ikaw, Marie! Hintayin mo muna ako ah? Itatakwil kita sa pamilya kapag inunahan mo ako!" Niyakap ng mahigpit ni Mercedes si Marie. 


"Kahit itanggi mo pa akong kamag-anak mo!" Pagbalik naman ni Marie. Hindi ko naman naiwasan ang matawa lalo na't may ibig sabihin na ang biro na iyon ni Marie. 


"Saan ninyo gusto ikasal?" Cheonsa asked randomly. 


"Gusto ko sa Batanes!" Agad na sagot ni Mercedes. "Napaginipan ko kasi 'yong lugar na 'yon. Naisip kong..kung ikakasal ako gusto ko doon."



"Gusto ko sa Siargao. Beach wedding." Si Camilla. 


My friends continued sharing their dream wedding places. Ang saya sigurong mangarap para sa future.. Tumitig nalang ako sa kawalan hanggang sa matanaw ko nalang sa hindi inaasahan si Rhoyde na kasama ang mga kaklase niya na may mga bitbit pang measuring tools at mga blueprint. 


Naalala ko na naman iyong sinabi niya kahapon. Am I really that selfish to pretend that I don't remember him? Am I doing too much to avoid him? Do I need to talk him? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko pa ba 'to ginagawa. Malalaki na kami. Alam ko na ang tama at mali. Alam ko na ang dapat na gawin. Pero bakit? Hindi ko pa rin magawa? Saan ba dapat ako magsimula? Kailan ba dapat simulan? Ang dapat ko lang naman gawin ay kausapin siya.. makipag-usap sa kaniya at sagutin ang mga tanong niya, at tanungin ang mga kailangan kong marinig na sagot. Pero bakit... hirap na hirap akong gawin? Awang-awa na ako sa kaniya.. Nahihirapan na rin akong magpanggap at lokohin ang sarili ko, ang lokohin ang mga kaibigan namin, at lokohin siya. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now