Chapter 11

6 2 3
                                    


Rhoyde's 


Sa unang mga linggong lumipas na wala si Jihan ay parang bangungot saaming lahat. Walang makapaliwanag o makapag sabi ng mga nararamdaman nila. Sa mga araw na nagdaan na minemessage namin si Jihan ay umaasa kaming sasagot siya na naaalala na ulit ang lahat. Napakabilis. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap, wala na ang mga ala-ala niya. Walang abiso, walang paramdam, biglaan. 


Sa tuwing umuulan ay siya ang naaalala ko. Sa tuwing sisilay ang araw ay panibagong pag-asa ang dumarating saakin. Ang tanging pinanghahawakan ko ngayon.. ay ang pangako ko kay Jihan na hihintayin ko siya. Ngunit hanggang kailan? Natatakot akong... baka dumating ang araw na magising nalang ako na tanggap ko na... tanggap ko nang wala na talaga. Walang pormal na paalam, walang pormal na pag-uusap.


Sa mga nagdaang buwan na nakalipas, walang araw na hindi ako nagdala ng bulaklak sa tambayan nilang magkakaibigan, tanda ng sobrang pagka sabik ko sa kaniya. Minsan ay iniisip ko kung bakit parang ang bilis matanggap ng mga kaibigan ni Jihan na nakalimot na si Jihan at umalis na. Para bang... ang bilis nilang naproseso sa mga utak nila. 


"Rhoyde." 


Agad kong napunasan ang luha ko sa boses na tumawag saakin. Agad kong nilingon ito at nakita si Cassandra na nakangiting tumabi saakin. Kasalukuyan kaming nasa library dahil sa isang activity namin sa isa naming subject.


"Patapos na yung time na binigay saatin, wala ka pa ring nasisimulan." Nagbaba ng paningin si Cassandra sa papel ko na hanggang ngayon ay pangalan ko pa rin ang nakasulat. 


"Ah, hindi ko alam anong gagawin." Pagdadahilan ko at sinimulan na ulit na buklatin ang librong hiniram ko. 


"Baliktad." Muli kong nilingon si Cassandra at binigyan ng nagtatakang tingin. "Iyang libro baliktad." Turo niya sa librong hawak ko. Nang tignan ko ang hawak na libro ay baliktad nga ito. Nakakahiya!


"Ano bang nangyayari saiyo?" Medyo may inis na ang tono ng pananalita niya. "Simula noong pumuntang Baguio si Jihan ay nagkaganiyan ka na." Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang sa pagbuklat ng libro. 


"Umayos ka nga, Rhoyde." Tumayo siya ngunit hindi pa rin umalis. "Umalis lang siya, hindi siya namatay." Naramdaman ko ang paglayo ng presensya niya. 


Paano ninyo maiintindihan yung pinanggagalingan ng nararamdaman ko kung mabilis kayong nakalimot?  Umiling nalang ako bago sinimulan ang activity ko. 


Nang matapos ang subject namin na aiyon ay bumalik na rin kami sa aming classroom. Para pa rin akong lantang gulay na nakikisalamuha sa mga kaklase ko. 


"Guysss!" Agad akong napatingin sa sumigaw. Si Shean iyon, isa sa mga kaibigan ni Jihan. Pinagmasdan ko siyang tumakbo palapit sa mga kaibigan niya na winawagayway pa ang cellphone.


"Tignan n'yo 'to." Dinig kong sabi niya at ipinakita ang cellphone sa mga kaibigan. 



"Aakyat kaming Baguio sa Christmas break. Hopefully makita ko siya doon." Halos mapatayo na ako sa sinabing iyon ni May. Si Jihan kaya yung pinag uusapan nila?

When the Sky, CriesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ