Chapter 9

6 0 1
                                    

"Anong mangyayari pagkatapos?"

Nag-iwas ako ng tingin kay Rhoyde dahil sa tanong niya.

"Ang totoo niyan.. hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos kong... maoperahan." Ngumiti ako ng tipid.

"Hihintayin kitang gumaling, Jihan." Ngumiti siya saakin at hinawakan ang mga kamay ko sa ilalim ng lamesa. "Pangako."

"Please... Please huwag kang mangako." Ngumiti ako bago siya iniwanan at pumunta sa mga kaibigan kong nakapalibot ngayon sa pwesto nila Mercedes at Marie.

"NililigawannaakoniJan" Dinig kong dire-diretso pagsasalita ni Mercedes na ikinagulat ko!

"Ha?" Nagtatakang tanong ko.

"Nililigawan na ako ni Jan!" Pag-uulit ni Mercedes na ngayon ay nakapikit na. Paanong?!

"Mag online ka rin kase para updated ka." Nakangising bulong ni Cassandra. Inirapan ko nalang siya at naki chismis ulit.

Ganoon ko ba nailayo ang sarili ko sa social media kaya't hindi na ako nakakasabay sa mga kaibigan ko?

"Kinukumusta ka ni Jan. Mag-open ka na kaya?" Bulong pa ni Cassandra. Hindi ko na ulit siya pinansin at nagpatuloy nalang sa pakikinig.

Nang magsimula ang klase ay halos pasulyap-sulyap na ako sa kung saan. Hindi ako mapakali at parang anumang oras ay mapapapikit ako. Nasisikipan ako sa capacity ng hangin na mayroon kami sa classroom namin, kaya pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko.

Mabilis na natapos ang mga sumunod naming subjects hanggang sa makatyempo akong makatakas sa room namin. Sinadya kong hindi magpakita kay Rhoyde dahil alam kong nakamasid siya saakin kanina. Pakiramdam ko ay napapagod na ako magsalita. Bumibigat Lalo ang pakiramdam ko.

Nang maalala ang lugar kung saan tumatambay si Mercedes ay hindi na ako nagdalawang isip pa na magpunta roon.

Habang nasa daan ay natanaw ko kaagad si Lesther na nakasilip sa kung saan. Nakapwesto siya sa labas ng isang classroom habang may tinatanaw.

Nang makita ako ni Lesther ay kaagad din siyang naglakad paalis. Ngumisi nalang ako at naglakad na papunta sa gilid ng building na ito upang doon tumambay. Doon ay naabutan ko si Mercedes na may kausap sa telepono. Ngayon ay alam ko na kung sino ang sinisilip ni Lesther!

"Hoy!"  Malakas na sigaw ko upang gulatin si Mercedes.

"Ay kumag ka!" Halos panlakihan ako ng mata ni Mercedes! Hindi ko namanw napigilan ang matawa sa kaniya.

"Sinong kausap mo ha?" Kinikilig pang tanong ko. Kahit kilala ko na kung sino ang kausap niya nais ko pa ring kumpirmahin at asarin siya!

"Ah, si Jan"  Nahihiyang sagot niya. Tumango naman ako at umupo sa tabihan niya.

"Nakasalubong ko si Lesther ah, galing din siya dito?" Nakangiting sabi ko at sumandal sa puno.

"Andito siya kanina." Maikling sagot niya.

"Actually, nung papunta ako dito eh nakita ko siya nakatayo malapit sa punong ito. Siguro ay tinitignan ka. Tapos nung nakita niya ako bigla naman siyang umalis." Pagkukwento ko. Hindi yata aware si Cedes na nagstay pa si Lesther.

Napansin ko ang pananahimik ni Mercedes kaya kaagad ko siyang nilingon. "Are you okay, Cedes?"

"Ah, oo." Tipid siyang ngumiti. Bumuntong-hininga nalang ako at tinitigan siya.

"You really like Jan, huh?" Mapang-asar Kong tanong.

"Hmm" Natawa naman ako sa isinagot niya.

"I think you won't allow him to court you if you don't have feeling for that guy, Cedes." Muli kong pang-aasar. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now