Chapter 19

7 0 0
                                    


Hingal akong lumapit sa mga kaibigan ko na naghihintay sa canteen. Taka naman nila akong pinanood na makalapit sa kanila. 


"Haggard ka naman 'ata kaagad? Unang araw palang ah?" Natatawang bungad ni Mercedes saakin. Ngumiti lang ako bilang sagot at umupo sa may tabi nila Marie. 


"Bago ko makalimutan." Umubo pa ako at kinakabahang tumingin sa kanila.  "May lumapit na guy sa'kin. Rhoyde yung pangalan." Nagkatinginan naman sila Marie, Cheonsa at Camilla dahil sa sinabi ko. 



"Parehas kayo nang uniform, Marie. I think.. he's also a Engineering student?" Pagpapatuloy ko pa. Tumango naman si Marie saakin. 



"Ginulo ka ba ni Rhoyde?" Tanong ni Marie. Medyo mapanukso ang tanong niyang iyon.



"Uh.. H-hindi.." Nag-iwas ako ng tingin at inilabas ang casebook ko. 



"Mapaglaro talaga ang tadhana." Natatawang sabi naman ni Cheonsa. Hindi ko na siya pinansin pa at nagbasa nalang. 


Puro kwentuhan ang ginawa naming magkakaibigan hanggang sa natanaw namin sila Shean, Mercedes, at Cheonsa na papalapit na saamin. Si Mercedes at Cheonsa ay parang binagyo dahil sa mga hitsura nila. Si Shean naman ay nakatingin pa rin sa hawak niyang papel. 


"First day palang gusto ko nang iyakan ang nursing!" Inis na sigaw ni Mercedes at tumabi kay Camilla. 


"Ay totoo! Buti nalang at nag advanced study ako! Parang ako yung magiging pasyente eh." Pagsang-ayon naman ni Camilla kay Mercedes. Naunang lumabas si Camilla kay Mercedes at Cheonsa dahil magkaiba sila ng block. 


"Kumusta naman ang Fashion Design and Marketing, Shean?" Pangungumusta ni Marie kay Shean. 


"Tinatanong ko rin sa sarili ko 'te kung bakit ko 'to pinili." Napairap nalang si Shean at muling tumingin sa kanina niya pang tinitignan sa papel niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at kinuha iyon. 


I smiled when I saw Shean's sketch. It was a see-through style gown. "Wow.." 


"Hindi pa ako makapag isip ng mas magandang design." Nahihiya siyang ngumiti at kinuha ang sketch pad saakin.


"Kapag kinasal ako, ikaw ang kukunin kong designer ng wedding gown ko." Mercedes winked at Shean. 


"Ako rin! Pero dapat may discount! Mga fifty percent ganon!" Malakas na sigaw ni Camilla. Natawa nalang ako sa kanila at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa.


I went back my class with a smile on my face but it fade immediately when our class started again. 


My day and classes went well. I couldn't go home with my friends because our professor extended our class hours. It was so exhausting! So, I told my friends to go home early. 

When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now