Epilogue

15 0 0
                                    


Rhoyde's

Gaano nga ba kabilis ang buhay? Gaano rin ba katagal nabubuhay ang isang tao? Napakabilis ng buhay. Nakakatakot mabuhay. Isang araw, masaya kang gigising. Sa susunod na araw, magigising ka at malalaman mong wala na yung taong nagpapasaya at nagmamahal sa'yo. Wala na yung taong mahal mo.



Noong una, hindi ako naniniwala na kapag mabait ka, mauuna kang mawala sa mundo. Pero ngayong nakatitig ako kay Jihan na payapang nakahiga sa coffin niya ay naniniwala na ako.



Para lang siyang natutulog. Para lang siyang galing sa trabaho na pagod na pagod kaya sobrang himbing ng tulog. Para lang din panaginip. Parang kahapon lang mga bata pa kami. Parang kahapon lang, nakatingin ako sa mga post niya sa mga social media accounts niya. Parang kahapon lang siya bumyaheng Hawaii. Napakabilis ng pangyayari. Nakakagulat.



"Tita, kumain ka muna." Bulong ko sa mama ni Jihan na naka upo lang sa tabi nito.



Ngumiti siya saakin bago ako inutusang umupo sa tabi niya.



"Mabait na bata 'yang si Jihan. Ang laki ng naitulong niya saamin, lalo na sa pag aaral ni Eril." Sambit ni Tita habang hinahaplos ang coffin nito.



"Ang laki ng kasalanan at pagkukulang ko sa kaniya, Hijo." Nagsimulang umiyak si Tita. "Mula pagkabata, hanggang ngayon..."



"Hindi ko man lang siya nasabihan na mahal ko siya kahit minsan.. Naging kampante ako na basta nakikita nila akong buhay, alam nilang mahal ko sila.."



"Nagsisisi akong hindi ko siya pinagtuunan ng pansin noong mga panahong kailangan niya ng ina. Nagsisisi ako na hindi ko siya naalagan noon kaya nagkasakit siya..." Tinapik ko ang likod ni Tita at hinayaan siyang magsalita.



"Hindi ako perpektong ina, Hijo.. Pero alam ng Diyos kung gaano ko kamahal ang mga anak ko.."



"Sigurado po akong nararamdaman ni Jihan ang pagmamahal mo kahit hindi mo sabihin sa kaniya, Tita. Kung naririto lang siya, sasabihin niya sa'yong you did a great job." Nakangiti kong sabi at tumayo sa gilid ni Tita para makita si Jihan.



"Nariyan na ang mga kaibigan ni Jihan, Hijo. Kung pwede ay ikaw muna ang umasikaso sa kaniya. Aasikasuhin lang namin sa sementeryo." Lumapit si Tito saamin at sinabi iyon.



Muli kong tinapik ang balikat ni Tita at lumabas para salubungin kung sinong mga kaibigan na iyon ni Jihan.



Nanglambot ang puso ko matapos makita kung sino ang mga iyon. Hindi pa man sila nakakapasok ay todo na ang mga iyak nila habang nakatingin sa tarpaulin ni Jihan.



"Rhoyde.. " Umiiyak na sabi ni Mercedes at yumakap saakin. Tinapik ko ang balikat niya bago tumabi para sa iba niyang mga kaibigan.



Walang sinabi si Camilla kung hindi ang umiyak at lumapit saakin. Si Marie ay nakatulala lang sa tarpaulin ni Jihan na parang sinusubukan pang intindihin kung ano ang nakasulat roon.



"Condolence." Nanghihinang bulong ni Cheonsa bago yumakap saakin. Tumango ako at isa-isang tinignan ang mga kaibigan niya.



"Nauna na si Shean dito kahapon. Dinala niya yung damit na isusuot ni Jihan." Sa sinabi kong iyon ay lalong silang na iyak.



"Pasok kayo." Pagyaya ko at sinamahan sila sa loob.



Natahimik ang mga taong naroon nang magsimulang humagulgol ang mga kaibigan ni Jihan. Maski ako ay hindi sila matignan dahil tumataas ang balahibo ko dahil sa awa at sakit. Si Marie ay nakaluhod na sa likod ng mga kaibigan niyang nagsisiksikan sa harapan ng coffin ni Jihan habang si Tita ay umiiyak na pinapanood ang mga ito.



When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now