Chapter 29

7 1 2
                                    

Long read.


"May mga Hawaiians din naman na nagsasalita ng English. Halos lahat sila. Pero syempre, kapag sila sila lang, salita nila ginagamit nila."


Today's my first day here in Hawaii. Kasalukuyan kong kasama ang isang abogado mula sa firm ni Mr. Estala na nagtratrabaho na rin dito sa Hawaii, pero under pa rin ni Mr. Estala. 


"Attorney Layda, this is Attorney Kai Iona and this is Attorney Mikala Kahale." Pagpapakilala ni Attorney Jane sa dalawang abogadong nasa harapan namin. 


"Hola, Attorney Layda." Nakangiting bati ni Attorney Mikala. Tumango naman saakin si Attorney Kai. Si Attorney Kai ay lalaki, at si Attorney Mikala naman ay babae.


"Hola! I'm Attorney Jihan Layda. I'm from Guevas Law Firm in the Philippines. I have a friend who also works here as a Lawyer. His name is Juan Arceo." Tumango-tango naman si Attorney Jane.


"We are glad to welcome you here, Attorney Layda. We're looking forward to work with you." Nakangiting sabi naman ni Attorney Mikala.



Sandali pa nila akong inilibot sa firm. Aaminin kong kulang ang isang araw sa paglilibot dito dahil malaki ang firm nila. May mga ipinakilala rin sila saaking mga abogado na matunog na amg pangalan. May mga nabasa at napanuod na rin ako tungkol sa iba sa kanila. Medyo na-pressure ako dahil magagaling nga silang lahat.



I already contacted Juan Arceo. Gusto niya na rin tuloy biglang bumalik dito sa Hawaii at sa wakas daw ay may manlilibre na sa kaniya! Pero hindi pa siya makabalik dahil engagement party ni Mercedes sa isang araw. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang ako umabot. Uuwi at uuwi talaga ako para sa kasal niya! Hindi ako papayag na hindi ako maging maid of honor! Deserve ko naman maging maid of honor dahil hindi ako makakapunta sa engagement party niya!



Nang maka-uwi ako sa bahay na pagti-tirhan ko dito sa Hawaii ay nakaramdam na naman ako ng paninibago. Nakakapanibago dahil hindi ito katulad sa Pilipinas. May bagay sa Pilipinas na hindi ko maramdaman dito sa Hawaii. Home.



I contacted my friends and had a little conversation with them. May and Cassandra are already preparing for their upcoming flight. Sayang lang at hindi ko man lang maaabutan yung pag-alis nila, tapos, hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos bago umalis.



We had a lot of fun and silly conversations. Including Mercedes' honeymoon! Kung ano-anong sina-suggest ni Cheonsa! Mabuti nalang at sinunod ni Mercedes yung alok kong sa Batanes nalang din sila mag honeymoon since maganda at tahimik doon. Talagang masosolo nila yung place!



"Uh.. g-guys, mag leave na ako sa call natin ah?"  I got curious about how Marie's voice changed. She looks scared and bothered.


"Bilis naman! Punta ka na rito sa bahay, Marie! Mag-ayos na tayo papuntang Batanes!" Si Camilla.



"O-oo! Susunod ako." Pilit na ngumiti si Marie at tuluyan nang nawala sa call.



That's how our call ended. Medyo unusual ang actions ni Marie. I hope she's okay.



The next day, sandamakmak na papeles ang sumalubong saakin sa office. Ganito ba talaga dito o hindi lang ako nasanay sa Pilipinas na ganito karami ang trabaho?



Iba't-ibang kaso rin ang nireview ko sa bawat papeles na binigay saakin ni Attorney Jane. I  already met the CEO of this firm. He's nice, compared to Mr. Guevas. I'm sure he's choking right now because I remembered him. I suddenly remember Rhoyde. Kumusta kaya ang kaso niya?



When the Sky, CriesWhere stories live. Discover now