Nice to See You Dennise

809 33 20
                                    

-


a/n:


yes, guess who still hasn't moved on from last night's ganap? so alam niyo na agad yung reference for the title hahaha


wanted to upload a new chapter before the AD bestie merch drops! never expected this to happen so we've come a long way indeed! congrats to all of us and may we all continue shipping responsibly!!!


hope u enjoy!!!


-



Present Year, a few days before Gretch and Robi's wedding...



"Sir Synjin pwede ho ba kayong makapanayam?"

"Bakit po canceled ang Singapore Tour ng Portmanteau?"

"Ano pong nangyari sa Japan?"

"Totoo po bang nasa bansa na lahat ng members ng Portmanteau sir?"


At sumunod pa ang maraming mga tanong pagkalapag na pagkalapag nila Synjin sa airport. Panay naman ang iwas niya sa mga reporters na kulang nalang ay isubo sa kaniya ang mic. Wala siyang sinasagot ni isa sa mga tanong ng mga 'to at tuloy lang sa paglakad nang mabilis.


"Sino pong kasama mong umuwi?"


Nakuha naman nito ang atensyon ni Synjin. Takang napalingon siya sa paligid dahil sa tanong na iyon.

Doon niya lang din napagtanto, wala si Alyssa. Kaya pala tila nasa kanya ang lahat ng atensyon ng mga reporters. Hindi na masyadong pinahalata ni Synjin na may hinahanap siya at baka lalo siyang hindi tantanan ng mga ito. Pasalamat naman siya nang alalayan na siya ng ilang security guards. Kahit siksikan ay nakalabas naman siya ng airport nang walang sinasagot sa mga tanong.

Ilang saglit lang ay pumarada sa harap niya ang isang kotse at binusinahan siya. Nagmadali naman si Synjin sa pagbukas ng pinto at nakita si Ella sa driver's seat.


"Help?" sarcastic na tanong niya kay Ella na nasa driver's seat pa rin. Tukoy nito sa mga bagahe niya.

"Ginawa niyo na nga 'kong driver gagawin niyo pa 'kong kargador." reklamo naman ni Ella na ni hindi gumalaw sa kinauupuan nito.

"Thanks." sagot naman ni Synjin at mag-isang pinasok sa kotse ni Ella ang dalawang maleta at ilang bags, kanya at kay Alyssa na hindi pa rin niya nakikita.

Nang matapos ay agad nang pumasok si Synjin at sinarado ang pinto.

Napakunot naman ang noo ni Ella at nilingon si Synjin.

"Oh, asan 'yung alaga mo?" hanap ni Ella kay Alyssa.

Hindi agad sumagot si Synjin at kinuha ang phone sa bulsa para tawagan si Alyssa. "No idea either." stressed na sagot ni Synjin kay Ella.

"I see, a manager who can't manage." pang-aasar naman ni Ella at sinamaan lang siya ng tingin ni Synjin.

Then Synjin groaned as he read the message Alyssa sent him 20 minutes ago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon