Welcome

879 40 5
                                    

-


A/n:

reminder lang ulit, fanfiction po ito kaya lahat ng nababasa niyo ay imagination ko lang except siyempre yung characters 

enjoy reading :))))


-


After Alyssa and Amy were blindfolded, a bunch of stuff was asked them to do. Like trust fall, which they were hesitant to do at first especially Alyssa. Then their blindfolds were removed and were surprised by the ARSAns or the Ateneo Resident Students Association. They were told that it was part of the dorm's tradition 'Salubong', where freshmen/new dormers were welcomed so they wouldn't feel alone. It wasn't only Alyssa and Amy, there were also other new dormers. They had fun and were able to get to know other Atenistas as well.

"Woah that was harder than OrSem dance." natatawang sabi ni Amy kay Alyssa habang pabalik na sila sa dorm, sa iba pala sila dinala kanina. "But it was fun." sumang-ayon naman si Alyssa, nag-enjoy din siya.

"Yeah it was." sabi niya.

Pagkabalik nila ay andoon pa rin 'yung teammates nila para salubungin sila. Inaya sila ng mga 'to na mag-dinner nang sabay sabay para makilala pa nila ang isa't isa. 

"Alyssa! You made it!" nagulat siya nang biglang tumakbo papalapit si Ella sa kanya at niyakap siya. Muntik na siyang ma-out of balance, niyakap niya rin si Ella.

"Thank you." sabi naman niya at nginitian ito saka humiwalay sa yakap. "Si Amy nga pala." pakilala niya sa dalawa at nag-shakehands naman ang mga 'to.

"Hello ako si Ella de Jesus, Ella na lang." nakangiting pakilala ni Ella at medyo kumunot ang noo ni Amy. 

"Taga-New Zealand siya." sabi naman ni Alyssa kay Ella.

"Oh no, ba't naman foreigner agad papakilala mo sa'kin?" tanong ni Ella, natawa naman si Alyssa. "I'm Ella, nice to meet you." tsaka lang siya naintindihan ni Amy.

"I'm Amy nice to meet you." nakangiting bati rin ni Amy at maya-maya lang ay mas close na siya kay Ella kesa kay Alyssa. 

Kumain na sila ng dinner at nakapagpakilala na silang lahat sa isa't isa. Masayang nagk-kwentuhan ang lahat at nagtatawanan habang si Alyssa ay kanina pa pasimpleng nililibot ang tingin niya. Magmula pa nang dumating siya sa dorm ay hindi pa niya nakikita si Dennise, ang dahilan bakit siya sumali in the first place. Kahit si Gretchen ay hindi niya pa nakikita.

Maling team ba nasalihan ko?

Kanina pa nababagabag si Alyssa kakaisip at kakahanap. Sa kabila ng masasayang tao sa paligid niya ay hindi niya magawang ngumiti at pinilit na lang ubusin ang pagkain niya. Nagsasalita na lang siya kapag kinakausap siya.

"Oo nga pala, masama pakiramdam ni Besh ngayon kaya wala siya. 'Kala niya bukas ka pa dadating." biglang sabi ni Ella at awtomatikong napatingin siya rito na tila ito talaga ang hinihintay niya.

"Oo 'yung bestfriend mo gusto ko na siyang ma-meet." sabi ni Alyssa at 'di niya namalayang ang OA nang pagkakasabi niya kaya medyo nabigla rin si Ella at napatigil sa pagsubo ng pagkain niya.

"Oh ba't biglang gusto mo na makita?" takang tanong ni Ella na hindi naman na pinansin ni Alyssa at nagtanong ulit.

"And how is she? Kung andito tayo sinong kasama niya? How would she take care of herself?" sunod sunod na tanong ni Alyssa at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Confused na tinignan lang siya ni Ella.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon