Try It Out

892 43 8
                                    

-

Tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng paghampas sa bola at pagtama nito sa kung saan ang maririnig. Hinihingal na si Alyssa pero ayaw pa niyang tumigil. Nasa court siya ng subdivision nila, alas onse na ng gabi at siya na lang din ang tao rito. Pinulot niya ulit ang bola at sinimulang mag-spike ulit. Pang-ilang araw na niya 'tong ginagawa, lumalabas siya papunta ng court 'pag sigurado siyang tulog na ang mga kasama niya.

Iniisip pa rin niya ang araw na nakita niya si Dennise na hanggang ngayon ay 'di pa rin nagsi-sink in sa kanya. Umikli man ang buhok nito at nawala ang salamin ay hindi siya pwedeng magkamali, si Dennise nga iyon. Nakumpirma pa niya ito dahil nung mga oras na 'yon ay bigla rin itong tinawag ng teammate pa nila pati si Ella para ituloy na ang training. Parehas silang nabato ni Dennise nang makita nila ang isa't isa kaya walang nakapag-react sa kanila. Nawala rin agad ito sa paningin niya dahil pumasok na ito sa gym. 

Napagdesisyonan naman ni Alyssa na gusto niyang mapalapit kay Dennise ulit at ilang araw na siyang nagpa-practice mag-Volleyball dahil napagdesisyonan niya ring mag-tryout. Sabi kasi nila Ella naka-dorm daw ang athletes kaya sa palagay ni Alyssa ay pinakamagandang choice na maging Volleyball player din ng school. 

Nagustuhan na rin naman niya ang sport na ito simula nung turuan siya ni Dennise, para na rin makabawi sa facial sa kanya ng kuya niyang si Paulo. Wala mang magtuturo sa kanya ngayon, marunong na rin naman siyang maglaro. Gusto niyang tutukan ang pag-practice niya ng isang linggo dahil tryout na nextweek.

Napaupo si Alyssa sa sahig dahil sa pagod, hingal na hingal siya. 

Naalala ni Alyssa ang huling buwan ng bakasyon, dalawang buwan matapos ang Graduation ni Dennise, ganitong oras din at nandito rin siya sa court, nilalabas lahat ng emosyon niya sa bola. Wala ring ibang tao no'n kaya don niya napiling mapag-isa. Dito niya nilalabas lahat ng frustrations at pagsisisi niya sa ginawa niya kay Dennise. Hindi na niya ito ulit nakita matapos ng Graduation nito. Ni hindi niya nagawang lapitan muli dahil hanggang tanaw lang siya mula sa malayo habang umaakyat ito sa stage. She tried contacting Dennise pero never itong nag-respond, kapag naman pinupuntahan niya ito sa kanila, laging si Jus ang sumasalubong at sinasabing wala si Dennise, nag-aasikaso para sa school nito sa College. Nalaman na lang din niyang lumipat na ito ng bahay pero walang nagsabi sa kanya kung saan, ine-expect din kasi nilang si Alyssa ang unang makakaalam. Nang tanungin naman ni Alyssa kung saan lumipat si Dennise, sinabihan na lang siya ni Gretchen na 'wag muna puntahan dahil busy nga ito para sa requirements. Sinunod na lang din 'yon ni Alyssa lalo na't alam niyang galit si Dennise sa kanya, ayaw naman niyang lalong makagulo rito. It seemed like none of her friends knew what happened, nalaman niya ring sinabi ni Dennise na nagkasakit siya kaya hindi naka-attend ng Graduation niya. Alam kasi ni Dennise na hindi nagpapadalaw si Alyssa 'pag ganon kaya 'yon ang dinahilan niya para na rin hindi pa matanong 'to ng mga kaibigan niya. 

Pagkapulot niya ng bola ay nakita niya si Vic ng gabing 'yon papalapit sa kanya habang may bitbit na skateboard. Nakangiti at kumaway pa ito.

"Par!" sigaw nito at parang mangha naman ang ekspresyon ng mukha nito, bahagyang nakanganga. Gustong umiwas ni Alyssa ng panahong 'yon pero wala siyang magawa. "Ang galing mo na mag-spike!" tuwang sabi pa nito. Hindi rin niya alam bakit bola ang napili niyang kasama nung gabing 'yon at tsaka niya lang napagtanto kung ga'no kalakas ang pag-spike niya. Nangingibabaw kasi ang emosyon niya kaya siguro malakas ang bawat palo niya. Tuluyan nang nakalapit si Vic sa kanya at tinapik siya nito sa balikat. "Nags-skateboard ako ta's nakita kita dito, naglalaro ka pala mag-isa? 'Di ka nag-aaya ah." Medyo katapat kasi ng court ang bahay nila, at magkalapit lang sila ng bahay kaya nakita rin siya ni Vic. Hindi naman alam ni Alyssa ang sasabihin. "Ano? 'Di ka magsasalita?" natatawang tanong ni Vic at nilapag ang skateboard nito saka kinuha ang bola sa kanya. "1v1?" tanong ulit nito at hinampas hampas ang bola.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon