Why I Hate You

1.2K 55 16
                                    

-


A/N:


So I decided to finally share this with you guys, the 'gift' lol, matagal na tong nakatambay sa files ko then inedit ko lang ulit sa sobrang walang magawa (forgive my lame edit, wala talaga ko talent so sorry in advance). Wala po 'tong connect sa Chapter or sa story, edited clips lang siya from Tyang's Vlog-galag sa Japan. Kung napanood niyo po yon dun ko pa nakuha to. Subscribe na rin kayo sa channel ni Tyang HAHA

PS. don't mind the audio, kung nawawala, sadya 'yon, ang mahalaga... yung subtitle HAHAHA

timestamp 5:55 [*Tyang Aby: not *Den] namali ng lagay

PPS. please i know it's not worth sharing pero sana 'wag niyo na ilabas 'to, kung gusto niyo mapanood just watch using the link below, don't download or anything. Kung ano yung nakita niyo dito, magsstay dito okay? Madelikado pa tayo haha. Thank you hope you enjoy this video na bunga ng weird na imagination ko

Congrats ulit to the newly wed months ago, u know who they are :)

Popost ko dapat to nung nag-180k yung Paper Planes for celebration ko haha maraming salamat sa inyo! Happy 180k reads sa Paper Planes and 14k sa She Still Does katuwa kayo grabe!



Oh, basahin niyo na yung chapter sa baba.


-




"Woah! Nag-iipon ka?" nagulat si Alyssa nang biglang may magsalita sa likod niya. Agad naman tinago ni Alyssa 'yung alkansya niya na parang may ginawa siyang masama. "Kaya pala tanggi ka nang tanggi 'pag inaaya kita kumain. Ano pinag-iipunan mo ha?"

"Kagulat ka naman." sabi ni Alyssa at tinignan si Gretchen. "'Yung sobra lang sa allowance ko. Tsaka maya't maya ka naman kasi mag-aya." sabi naman ni Alyssa at umupo na sa kama niya. Sa harap niya ay ang laptop niya dahil panonoorin niya ulit 'yung game.

"Normally 'yung mga naglalagay sa alkansya piso piso lang eh. Nahiya naman ako sa 200 mong buo. Extra lang talaga 'yan?" sarcastic na sabi ni Gretchen.

"Dun ka na nga." pagtataboy ni Alyssa kay Gretchen.

"Wait lang turuan mo na 'ko mag-gitara." sabi ni Gretchen at kinuha ang gitara nito. Inuwi ni Gretchen ang gitara niya sa dorm para raw maturuan siya ni Alyssa, slow man ay alam ni Alyssa na gusto lang nitong tumugtog siya ulit. Ni hindi nga nito binabalik sa case 'yung gitara para kitang kita ni Alyssa at ma-tempt kung sakali. "Nonood ka na naman ng game, 'wag na 'yan napanood mo na 'yan eh." reklamo ni Gretchen at sinara ang laptop ni Alyssa.

"Uy!" sigaw ni Alyssa at binuksan ulit 'yung laptop niya. "Ingat naman!"

"Turuan mo na 'ko dali." pangungulit ni Gretchen.

"Kailangan ko ngang manood."

"'Wag ka ngang ma-pressure masyado sa sinabi ni Coach. 'Di ka pa nga naglalaro eh." nilapag ni Gretchen 'yung gitara niya sa dulo ng kama ni Alyssa at umupo sa tabi ni Alyssa. Lagi kasi siyang napapagalitan ni Coach dahil sa spike lang talaga siya maalam, sa block medyo, salamat sa pagba-Basketball niya. "Don't feel down about it okay? Alam mo ba kung bakit ako nakapasok sa team?"

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon