Again

777 46 22
                                    

-




"Kief...er... Ra...vena." basa ni Kiefer sa pangalan niyang sinusulat niya sa papel. "Signature..." pumirma na siya. Nang matapos ay tinignan niya lang ulit kung tama saka inabot ang ballpen kay Alyssa. "Oh." pero 'di 'to kinukuha ni Alyssa. "Ako pa ba magsusulat ng name mo Par?" tanong niya at tinignan naman siya ni Alyssa na parang nag-aalangan pa. "Nangako ka last year." paalala ni Kiefer at tinutok pa ang ballpen kay Alyssa. Napabuntong hininga si Alyssa at kinuha ang ballpen sa kamay ni Kiefer saka sinulat ang pangalan niya sa papel. Nasa Music Org sila ngayon para magpa-register as members gaya ng usapan nila last year. Akala ni Alyssa ay nakalimutan na ni Kiefer pero hindi kaya wala siyang choice kahit ayaw niya.

"Tapos na." sabi ni Alyssa pagkatapos magsulat at agad humarap kay Kiefer. Ngumiti nang malapad si Kiefer matapos mag-register ni Alyssa. 

"Yes balik loob na siya." ngiting ngiting sabi ni Kiefer at siniko pa si Alyssa. 

"Ang lilikot naman." sabay na napalingon si Alyssa at Kiefer nang may magsalita sa likod nila.

"Baby Ji!" tuwang sigaw ni Kiefer habang si Alyssa naman ay nagulat lang at hindi nakapagsalita. Nginitian sila ni Jirah, Jirah Llaneta na nakapila rin para mag-register.

"Next!" sigaw ng isang officer kaya gumilid silang dalawa at si Jirah naman ay nag-fill up na sa papel. 

"'Buti naman andito na siya." sabi ni Kiefer na gulat pa rin habang nakatingin sila ni Alyssa kay Jirah. Wala naman ng sinabi si Alyssa.

Pagkatapos ni Jirah ay agad siyang lumapit sa dalawang 'kuya' niya. 

"Heeey!" masayang bati ni Kiefer, he spread his arms to offer Jirah a hug. Jirah spread hers too, only to hug Alyssa who was startled by the action. Napatingin naman si Kiefer sa dalawa then his expression went poker face. "Totally not surprised." he commented sarcastically.

Jirah then let go of Alyssa who was still stiff.

"Haven't seen her for like forever." Jirah explained. Alyssa smiled pero tipid ito.


The 3 of them stayed for a while for the program of their Org, for introduction of the members, election, and other stuff while talking about what they missed on each other. Kiefer and Jirah did all the talking, Alyssa only talked when she's talked to directly. Jirah never told them where she would enroll and she told them she wanted to surprise them.


"Uy tara pakitaan natin sila, volunteer daw oh!" aya ni Kiefer kila Jirah at Alyssa. Agad namang humindi si Alyssa. Nagtatawag kasi 'yung isang officer ng volunteers sa newcomers.

"Ba't ayaw mo?" tanong ni Jirah kay Alyssa at tumingin dito. 

"I don't really play anymore." mahinang sabi naman ni Alyssa at umiwas ng tingin. Kiefer mentioned he forced Alyssa to join so Jirah didn't ask any more questions.

"Hala iba napili mag-gitara ano ba 'yan." reklamo ni Kiefer na nasa crowd ang atensyon. "Oh ako daw!" tuwang sabi ni Kiefer nang siya naman ang napili kumanta. Nginitian niya nang malapad ang dalawa at nginitian naman siya nito ng tipid.


Kiefer went up to the stage to sing along with the other member who volunteered to play the guitar, Jirah and Alyssa were just watching him without saying anything. It was evident on Kiefer's face how he missed singing and Alyssa's happy for him.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon