Moving In, Moving On

896 48 6
                                    

-



"What are you doing Lazaro? Is this a joke to you?"

"No Coach, I'm sorry. I was just-"

"If this happens again, don't attend anymore."

"N-no Coach it won't happen again."



Dennise got scolded by their Coach after training. She saw Ella approaching Coach and her. Coach said she was too distracted and thought she doesn't take this seriously. She was playing really bad earlier, for a week, she couldn't receive the ball well and seemed out of focus.

"Besh tara na." hinila naman ni Ella si Dennise papalabas ng BEG. Hindi naman na ito pumalag at hinayaan na lang hilahin ng bestfriend niya. "Ano bang problema?" tanong nito nang 'di nakatingin kay Dennise.

"Nothing, nahihirapan lang ako mag-adjust sa new position ko." pagdadahilan naman ni Dennise.

"Adjust? Magkaiba ang adjust sa tulala. Isang linggo ka ng parang lutang at saka mabilis uminit ulo, napapansin na ng lahat." tumingin si Ella kay Dennise na nakayuko at mukhang nasa iba na naman ang isip nito. Hindi ito sumasagot parang 'di rin siya narinig. Tumigil si Ella sa paglalakad at binitawan si Dennise kaya nabunggo ito sa likod niya. Doon lang napatingin si Dennise sa kanya.

"What?" tanong ni Dennise na parang nagkikimkim at mahigpit ang hawak nito sa duffel bag niya. "I'm not lying. Ikaw kaya biglang gawing libero." iritang sabi ni Dennise at naglakad  ulit. Hanggang sa maka-uwi sila sa dorm ay kinukulit pa rin ni Ella si Dennise pero panay ang iwas nito hanggang sa makapasok sila sa kwarto nila.

"Oh siguro naman magsasabi ka na? Wala ng ibang tao dito oh." sabi naman ni Ella at ni-lock pa ang pinto ng kwarto nila sakaling tumakas si Dennise. Iritang pinatong ni Dennise ang bag niya sa kama niya saka humarap kay Ella. Bakas sa mukha nito ang pagkairita dahil nakukulitan na siya kay Ella. She heaved a sigh.

"Is that the Alyssa you were telling me about?" Dennise finally asked. Bigla namang nagtaka si Ella sa tinanong niya.

"Iniiba mo na naman usapan, ano ngang problema mo?" Ella asked.

"No I'm not. I'm telling you what my problem is." Dennise said at medyo nagtaas ito ng boses. "I thought that Alyssa was the one from the Basketball team?"

"Teka anong problema mo kay Alyssa? And Basketball team?" Takang tanong ni Ella kay Dennise na magkasalubong ang kilay. Bigla namang na-gets ni Ella ang tinutukoy ni Dennise. "You mean Lang? Oh!" bigla namang natawa si Ella pero naaasar na rin siya kay Dennise. "Siya pala pinoproblema mo edi 'wag mong pansinin kung kinukulit ka. Alam mo namang crush ka non kaya nga 'di ko na kayo pinakilala sa isa't isa kasi ayaw mo. Allyssa with double L ang name niya pero Lang tawag namin sa kanya." mahabang paliwanag nito.

Dennise wasn't talking about that Allyssa or Lang pero ayaw nga niya rito o kung sino pang Alyssa. Ever since Lang saw her lagi na itong nagpapapansin sa kanya kada magkikita sila lalo sa gym kaya ayaw niya talaga itong kinakausap o nakikita kaya hindi rin pinapakinggan ni Dennise ang mga kwento ni Ella about sa akala niyang 'Allyssa'.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon