Improvements

883 46 18
                                    

-




Alyssa unconsciously smiled as Dennise approached her. Who wouldn't admire her beauty?




Closer and closer she approached...




"ARAY!" sigaw ni Alyssa at napabangon bigla sa kama niya. "Ano ba natutulog ako! Bakit---" reklamo niya habang pilit minumulat ang mga mata niya. Maudlot ba naman magandang panaginip niya. 

"So?" rinig ni Alyssa ang mataray na boses dahilan para mapalingon siya agad para makita kung sino. Nanlaki ang mata ni Alyssa.

"D-dennise?" gulat na sabi niya nang makita si Dennise na nakapamewang sa harap ng kama niya at may hawak na unang pinanghampas nito sa kanya kanina. "A-ano ginagawa mo dito?" tanong niya dahil never naman itong pumasok sa kwarto nila nang nasa loob siya, hindi pala panaginip 'yon. Agad niyang tinago sa kumot 'yung dalawang teddy bears, mukhang hindi naman napansin ni Dennise dahil mukhang naka-focus 'to sa kung ano mang kinaiinis nito.

"Where is it?" Dennise asked, making Alyssa more confused. Napakunot lang ang noo ni Alyssa.

"Where is... what?" takang tanong ni Alyssa. Ilang araw ba naman niya 'tong halos 'di nakikita dahil sa pakikipag-date nito kay Myco tapos biglang mambabato ng unan.

"'Yung binigay sa'kin ni Nanay!" asar na sigaw nito sa kanya at agad namang nakuha ni Alyssa kung ano 'yon. Na-guilty naman siya, mukhang sinabi ni Nanay na may pinadala siya rito. Napagkasunduan pa naman nila ni Justine na hindi sasabihin kay Dennise na galing siya sa kanila.


Anong sasabihin ko?


Tanong ni Alyssa sa sarili. Minsan na lang siya lapitan ni Dennise 'yung may kasalanan pa siya. Napaiwas siya ng tingin, nag-iisip ng sasabihin.

"Hoy!" tawag ni Dennise kay Alyssa kaya agad ding napatingin ulit si Alyssa sa kanya.

"U-uh w-wait." sabi ni Alyssa at bahagyang napayuko at hinawakan ang ulo niya. "Parang nakalimutan ko, dahil 'ata sa hampas mo." napapikit-pikit pa siya para kunyari masakit pero hinampas lang siya ulit. "Aray!"

"Stop acting!" sigaw ulit ni Dennise. "You didn't even tell me for days!"

"Fine. S-sorry." Alyssa apologized then looked at Dennise. "Ubos na." nahihiyang sabi niya at napaiwas ulit ng tingin.

"What?!" hinampas ulit ni Dennise si Alyssa at pinangharang naman ni Alyssa ang mga braso niya. "It's not yours! Nanay cooked it for me!" dagdag pa nito habang patuloy na hinahampas si Alyssa.

"I know I know! Papalitan ko na lang." sabi naman ni Alyssa at napagod naman si Dennise manghampas. "Sorry we ate it."

"'WE?'" 

"I-i mean, I ate it. N-nagutom ako bigla eh. Sorry na papalitan ko na lang." depensa ulit ni Alyssa. "Paluto na lang ako ulit kay Nanay, gusto mo punta tayo sa bahay ngayon?" suggestion ni Alyssa pero inirapan lang siya ni Dennise at binato 'yung unan sa kanya. Padabog itong naglakad palayo para lumabas na ng kwarto nila Alyssa. 

"I'm gonna tell Nanay about this." inis na sabi ni Dennise at binuksan na ang pinto. Agad sumunod si Alyssa.

"Teka lang Den!" sigaw ni Alyssa. "Den!" pinigilan nitong lumabas si Dennise. Hinawakan niya ang braso nito.

"WHAT!" inis na sigaw ni Dennise pagkalingon nito kay Alyssa. Agad bumitaw si Alyssa at hindi nakapagsalita agad. Lalong tumaas ang kilay ni Dennise.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon