Spill

1.1K 50 17
                                    

-





Alyssa and Dennise were pretty much still the same but Alyssa could tell there was a progress. Kung nung una ay lagi siyang nire-reject ni Dennise at sinusungitan sa mga ginagawa niya para rito, ngayon naman ay minsan hinahayaan na lang siya ni Dennise at sinasakyan. Ang minsan na 'yun ay 1 out of 10 attempts ni Alyssa. Although sinusungitan pa rin siya ni Dennise lagi, masaya si Alyssa sa kakarampot na progress na 'yon.

"Hi 'Ly!" napalingon si Alyssa sa tumawag kanya, nakaupo ito sa isa sa armchairs sa lobby ng Eliazo at may takip na diyaryo sa mukha. Tinanggal nito and diyaryong nakatakip sa mukha at nagulat naman si Alyssa. "Upo ka." nakangiting offer ni Synjin kay Alyssa na sinunod naman nito. Synjin Reyes. Nang makaupo ay nagsalita na si Alyssa.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat at takang tanong pa rin ni Alyssa. "Dito ka nag-aaral?"

"Yes I study here." sagot naman ni Synjin at nilapag nito ang dyaryong hawak saka humarap ulit kay Alyssa. "'Di ka na nagparamdam since the band broke up ah."

"Sorry busy lang." nahihiyang sagot naman ni Alyssa. "Musta ka? 'Yung Synj?" nakangiting tanong niya.

"We'll catch up later. I want you to meet someone." sabi ni Synjin.

"Sino?" 

"Kilala mo."

"Kilala ko?" napakunot ulit ang noo ni Alyssa. "Bakit ipapakilala mo pa?"

"Kasi kailangan, wait tawagan ko." kinuha ni Synjin ang phone niya para tawagan kung sino man ang ipapakilala niya kay Alyssa na clueless pa rin. "Hello? Pwede punta ka dito sa Eliazo?" hinayaan na lang ni Alyssa si Synjin. Pagkatapos ng tawag ay kinausap ulit siya ni Synjin. "Surprise." 

"Kilala ko?"

"Oo nga." sagot ni Synjin.

"Pa'no ko siya nakilala?" pangungulit ni Alyssa.

"Basta antayin mo, sobrang ganda niya." nakukulitan pero nakangiting sabi ni Synjin kaya hinintay nalang din ni Alyssa ang tinutukoy nito. 


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Iniisip na lang ni Alyssa kung sinong kakilala niya na maganda ang tinutukoy ni Synjin kahit na si Dennise lang naman ang naiisip niya.

At ilang minuto lang ay dumating ang iniisip niya, si Dennise kasama nito si Ella. Tumayo si Alyssa para salubingin ang mga 'to. Tumayo rin si Synjin. Hindi naman mawari ni Alyssa ang ekspresiyon ni Dennise, parang galit ito.

"Besh!" sigaw ni Ella.

"Hi Ella, Den." nakangiting bati ni Alyssa sa dalawa sa pag-aakalang siya ang tinawag ni Ella na Besh. "Uh, si Synjin nga pala---" pagpapakilala ni Alyssa kay Synjin pero hindi naman siya pinansin ng dalawa dahil na kay Synjin ang atensyon ng mga 'to.

She Still Does (AD) [Paper Planes book II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon