Chapter 6

276 12 0
                                    

Chapter 6


"Trav, I'm starving." Sabi ko sa kaniya ng makita siya sa sala. Kaharap ang laptop at halatang busy. Umupo ako sa tabi niya at sinilip ang laptop niya pero hindi ko rin naman naintindihan kung ano ba ang ginagawa niya.

"May pagkain na roon. I cooked already, kumain ka na." He said.

"Ikaw? Have you eaten?" I asked.

Isang linggo na rin simula ng lumipat ako rito sa bahay niya at dahil nga siya ang nag luluto ay nasanay na rin ako na sabay kaming kumain. Maayos ang naging samahan namin nitong mga nag daang araw kahit madalas ay puro kami bangayan dahil sa maliliit na bagay pero masasabi ko na mas naging mas naging mag kasundo kami kumpara nung una.

Napansin ko rin na hindi siya tulad ng mga baklang nasa isip ko na sobrang arte, laging naka-make up, may wig pa minsan. But of course I already saw him wearing a fitted clothes and headband at hindi mawawala ang pagtataray niya.

"I will kain later, mhie. Dami ko pang need na asikasuhin." Hindi niya ako nilingon dahil ang buong atensyon niya ay nasa laptop lang habang nag titipa.

Tumayo naman ako at nag punta na sa kusina. Kumuha ako ng plato at nag bukod ng pagkain bago bumalik sa sala.

Umupo ulit ako sa tabi niya at sinimulang kumain. Sinusubukan kong intindihin din kung ano ba ang ginagawa niya pero wala talaga akong maintindihan.

"Here, you should eat." Itinapat ko ang kutsara sa bibig niya at agad naman siyang ngumanga.

"Sa susunod bago ka mag babad sa harapan ng laptop kumain ka muna." Sabi ko matapos niyang isubo ang laman ng kutsara.

"Urgent lang, mhie. Kaya nag luto na lang muna ako for you." Aniya habang ngumunguya pa.

I pouted. Nagawa niya pa talaga akong ipagluto kahit mukhang importante talaga ang ginagawa niya ngayon tapos siya hindi man lang kumain.

Ipinag patuloy ko na lang ang pagkain at pa minsan minsan ay sinusubuan ko siya dahil abala talaga siya. Hindi naman big deal iyon at hindi rin naman ako nakakaramdam ng pagkailang.

"I'm finally done, ka-stress. Kailangan ko pa bumisita sa office tomorrow. " Hinilot niya ang sintido at tumingala.

Ibinaba ko naman ang pinagkainan namin sa lamesa, kinuha ko ang tubig na nakapatong doon at uminom.

"Sol, are you okay with this set up?" Natigilan ako sandali dahil sa biglaan niyang tanong.

Ibinalik ko ang baso sa lamesa at hinarap siya. Kahit gaano pa kaayos ang relasyon namin nitong mga nag daang araw ngayon pa lang namin mapag uusapan ang tungkol dito.

"Honestly I feel nothing, Trav. Nagagawa ko pa rin naman lahat ng gusto ko ng walang limitasyon just like before, kaya tingin ko ay masasanay ako hanggang matapos ang plano natin. How about you? you fine with this?" I asked.

Tumango siya. "You're nice, Sol. Thank you for letting me being myself, hindi ko kailangang mag kilos lalaki pag ikaw ang kaharap ko. Masasanay din tayo hanggang matapos ang plano," Tumango ako at ngumiti. "Huwag na lang nating isipin na engaged tayo. I can't, mhie." Sabi niya, nilagay ang dalawang kamay sa sintido at umiling iling. Malakas akong natawa at sumang ayon din.

"Pero alam mo ba may nagugustuhan talaga ako, isa iyon sa dahilan kaya hindi ko matanggap na napa-aga ang arranged marriage ko." Huminga ako ng malalim ng maalala si Tristan, hindi ko pa ulit siya nakikita.

"Don't worry, once na matapos na ang plano natin I will make sure you'll be free marrying someone else." I nodded. Sana lang may pagasa pa ako kay Tristan once na matapos namin ang plano.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon