Chapter 19

195 8 1
                                    

Chapter 19

Iba pa rin pala ang pakirandam kapag nakumpirma mo ng harap harapan ang hinala mo. Nanlalambot ako habang nakatingin sa dalawang taong nakatingin din sa akin na hatalang gulat din at hindi alam ang gagawin.

Huminga ako mg malalim, hindi ko alama ng gagawin at hindi rin naaalis sa dalawa ang paningin ko.

"S-sol, let me explain," Umiling ako at umatras ng akmang lalapitan ako ni Travon or is he really the Travon?

"No need to touch m-my hand," Mahinang sabi ko.

"Sol," He called me again.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri at huminga ng malalim bago itinuro anh dalawa.

"Who's Travon?" I asked.

"Solana, I will explain everything. Come on," Hinawakan niya ang kamay ko ng tuluyan siyang makalapit sa akin pero buong lakas ko siyang timulak.

"Don't fucking touch me and answer my damn question!" sigaw ko, mas malakas pa sa sigawan nila kanina.

"Who the fuck is Travon?!" Tinignan ko ang Travon na nasa harap ko, ang Travon na kilala ko, ang Travon na nakasama ko simula pa nung umpisa, ang Travon na halos best friend ko na habang nasa loob kami ng engagement...ang Travon na mahal ko. Umaasa ako na sasagot siya na siya si Travon pero bumagsak ang balikat ko ng marahan siyang umiling. Katulad ng narinig kong pangalan na tinawag sa kaniya kanina...siya si Travis.

"Ikaw si Travis," I stated. He wasn't even surprised because I knew who he really was, maybe because he was expecting it too.

Bumagsak ang mga luha ko at nilingon ang totoong Travon na nanatiling nakatayo sa pwesto niya habang nakatakip ang mga palad sa bibig at nakatingin sa amin.

"Ikaw si Travon?" Mahinang tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Ikaw si Travon?!" Mas malakas na ulit ko at halos mapalundag siya dahil sa gulat.

Dahan dahan siyang tumango na lalong nakapag pabigat sa nararamdaman ko. Magkamukhang magkamukha sila ni Travo-Travis pero hindi ko makita sa mga mata niya ang siglang nararamdaman ko tuwing titingin ako sa mga mata ni Travis..sobrang kakaiba.

Unti-unti kong naintindihan ang mga narinig ko kanina. Kung bakit narinig kong banggitin ng Travon na nakasama ko simula umpisa ang pangalan ng totoong Travon, at kung bakit narinig ko ang pangalan ni Travis mula sa totoong Travon. Nag panggap si Travis bilang Travon at iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi siya mahanap hanap ni Tito Ramon hanggang ngayon dahil iisang pangalan lang ang ginagamit nila sa ngayon!

Si Travis ang kasama ko simula umpisa at ang tanga lang dahil bakit hindi ko man lang napansin iyon? Bakit hindi ko man lang naisip na pwedeng nag papanggap lang siya?

Dahil hindi ko alam nung una na may kakambal pala siya.

Thanks to tito Ramon for his story. Kahit papaano ay naging madali sa akin na intindihin ang tungkol sa dalawang ito.

Napabuga ako ng hangin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at parang kahit anong oras ay babagsak ang mga luha ko. Gusto kong mag dabog dahil sa hindi maipaliwanag na emosiyon.

They fooled me.

"Sol, please let's talk about this," Nagtaka ulit na lumapit sa akin si Travis pero inilingan ko siya.

"Shut up!"

"Sol, we can explain everything," Mahina at babaeng babaeng dagdag ni Travon..ang totoong Travon. Nag lakad din siya palapit sa amin pero sinamaan ko siya ng tingin kaya tumigil siya na parang natakot sa akin.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon