Chapter 9

206 17 3
                                    

Chapter 9


Hindi ako makabangon dahil sa sakit na nararamdaman. Gabi na at simula pa kanina ay namimilipit ako sa sakit ng puson. I only ate ramen because that's the only one I can cook.

Travon is not here maaga siyang umalis kanina, tulog pa ako. Honestly nitong mga nakaraan ay madalas siyang wala rito sa bahay dahil nagiging abala siya sa trabaho, siya na kasi ang nag aasikaso ng iba nilang business, siyempre magiging kaniya rin ang mga iyon kaya siguro ngayon pa lang ay nagiging abala na siya.

"Damn it." I almost cried because of the pain.

I just closed my eyes. Trying myself to sleep. Para kahit papaano ay hindi ko maramdaman ang sakit kahit alam kong pag gising ay gano'n na naman. Ito ang pinaka-ayaw ko kada dadatnan ako eh. Pero nitong mga nakaraang buwan naman na nagkaroon ako ay hindi ako nakaramdam ng sobrang pananakit ng puson kaya hindi ko alam kung bakit ganito ngayon.

"Sol, I'm home." Narinig ko ang mga yabag at pag bukas ng pinto pero hindi ko nagawang lumingon doon. Patalikod kasi akong nakahiga mula sa pintuan habang hawak hawak ang nananakit kong puson.

"Hey, you okay?" Nag aalalang tanong niya. Naramdaman ko ang pag upo niya sa edge ng kama. Hinawakan niya ang balikat ko at pilit na hinarap sa kaniya. Of course he knows that I'm not sleepy.

"Trav," Mahinang tawag ko.

"What happened to you?" Kinapa niya ang leeg ko at ang noo kong medyo namamawis ng bumangon ako at sumandal sa headboard. He wiped it quickly with his hands.

"Sakit ng puson ko," I said softly.

"You're on your period?" He asked and I nodded.

"Why you didn't tell me?" Sumandal ako sa kaniyang balikat at umiling.

"Kailan pa nasakit?"

"Kaninang umaga," Mahinang sagot ko.

"Hindi mo man lang sinabi sa akin? Ang damot mo naman." Mahina siyang tumawa, napangiwi naman ako at mahinang sinuntok ang hita niya.

"Charot," He chuckled.

"But you only ate ramen?" Tanong niya ng makita siguro ang natirang ramen sa side table.

"Hmm." Marahan lang akong tumango.

"Psh. Lay down down for a moment." Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at inalalayan akong humiga. He also touched my lower abdomen like checking it.

I held his hand and pouted when he stood up. Kadarating niya lang aalis na naman siya? Where is he going?

"Where are you going?"

"Sa baba,"

"Bakit? Dito ka lang,"

Sinubukan ko siyang higitin pabalik pero binitawan niya ang kamay ko. Sumama ang tingin ko sa kaniya ng ngitian niya pa ako.

"Sa baba lang ako. I'll be back," Tumatawa pang sabi niya. Wala namang nakakatawa.

"Whatever. H'wag ka ng babalik dito ah, sa labas ka matulog." Umirap ako at patalikod na humiga ulit.

"Excuse me, miss. This is my house," Tawa pa rin siya nang tawa kaya mas lalo lang akong nairita.

"Bahay ko rin 'to no." I rolled my eyes.

Wala na akong narinig matapos non kaya nag angat ako ng tingin pero hindi ko na nakita si Travon.

"H'wag ka lang talagang babalik dito." Mahinang bulong ko sa sarili at umirap. Ipinikit ko na lang ang mata at sinubukang matulog.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon