Chapter 3

338 19 0
                                    

Chapter 3


Isang linggo na ang nakalipas simula nung nag dinner kami ng pamilya ko kasama ang pamilya ni Travon. At isang linggo na ring hindi mawala sa isip ko ang tungkol sa napag usapan namin ni Travon.

Tuwing iisipin ko ang tungkol doon ay pakiramdam ko mag bubuhol buhol ang isip ko. He's freaking serious for pete's sake! Ayaw kong maniwala pero tuwing maalala ko ang itsura niya ng sabihin niya iyon there's no reason not to believe him at isa pa, sino naman ang mag bibiro tungkol doon?

"Ma'am Sol, may bisita po kayo." I sighed when someone of our maids knock on my door.

"Sige, pakisabi na lang pumunta na lang dito." Tamad na sagot ko. Kinuha ko ang throw pillow na nasa sofa at niyakap iyon.

Hindi ako nag abalang lumingon sa pintuan ng marinig ko ang pagbukas non.

"Solana," Nanlaki ang mata ko at agad napalingon dahil sa boses na iyon. I stood up immediately at halos matumba pa ako sa pagmamadali.

"What are you doing here?" Kunot noong tanong ko.

"Dad said we should go out sometimes," Aniya at nag kibit balikat. I froze for a moment, oo nga pala Dad also told me about that. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakaupo. Kinuha ko ang throw pillow na hawak ko kanina at ipinatong iyon sa aking hita.

"Look, Sol. I'm not forcing you to like me after what I've told you," Nag angat ako ng tingin sa kaniya. He's standing in front of me, ang kanang kamay ay nasa bewang habang nakatingin din sa akin. "But please just accept the marriage." He sounds begging.

Inis akong tumayo at ibinato sa kaniya ang hawak kong unan na agad niyang nasalo. "Sa tingin mo ba may magagawa pa ako? Next week na ang engagement!" I almost yelled.

Pumikit ako at nag buntonghininga. Kagabi lang iyon tuluyang kinumpirma ni Dad, na next week na ang engagement party. At sa tingin niya ba ay may magagawa pa ako? Ang mga magulang namin ay sigurado na tungkol dito. Ni hindi ko na rin magagawa ang plano ko dahil sa kaniya.

"You don't have to worry, Sol. You can still do the things you used to be even though you're married to me," Sabi niya sa seryosong tono.

"Let's not stress ourselves too much about that," Dagdag niya. Ibig niya bang sabihin ay sakyan lang namin pareho ang mangyayaring kasalan pero ang mga dating nakasayanan namin ay hindi kailangan magbago?

"Actually may plano ako gerlalu," He smiled and walks towards me. Lihim pa akong napangiwi dahil sa tinawag niya sa akin.

"Anong plano?" My forehead creased.

"Let's accept the marriage and then magsasama tayo ng halos isang taon, mag kunwari na lang tayo na mahal na natin ang isa't isa and after that let's file an annulment tingin ko naman ay paniniwalaan nila iyon." He said.

I crossed my arms and arched a brow, fine puwede rin ang naisip niya but. "Tingin mo ba gano'n kadali iyon?"

"Bakit hindi na lang tayo ngayon mag protesta hindi ba?" Dagdag ko.

He sighed, kitang kita ko ang frustration sa kaniyang itsura. "Sol, kapag ngayon ako umapila, irereto ako ni papa nang irereto sa ibat ibang babae hanggang sa pumayag ang babae at maikasal ako. Okay lang iyon sa akin pero ang pagsasabi ng sikreto ko ng paulit ulit ay hindi ko kaya." Nahihirapang sabi niya. Natigilan ako at nakagat ang labi ng makita kung paano rin siya nahihirapan.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya. I tapped his shoulder kaya napatingin siya sa akin. "Alright, let's do this."

"Your engagement is really on next week?" Hindi makapaniwalang tanong ni Trin ng maikwento ko sa kaniya ang tungkol doon.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon