Chapter 10

188 13 1
                                    

Chapter 10

Tuwing maaalala ko ang nangyari gusto kong kainin ng lupa! Darn! Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko nung mga oras na iyon at talagang ako pa ang nag sabi na halikan niya ako!

Really? Solana?

Kanina pa ako nag papabalik balik sa pag lalakad habang ang dalawang kamay ay magkahawak sa likuran ko. Hindi ko alam ang gagawin. Damn it. Hindi na nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil pakiramdam ko'y kada pikit ko eh nalitaw ang pag hahalikan namin. Pakshet.

"Solana! Aren't you going down? The foods are ready!" Travon shouted from downstairs.

I stopped from walking. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang isipin.

"Yeah, coming!"

"Bumaba ka agad, mhie ha!"

"Yeah!"

Arrggh! I fucking hate this! Kung kay Travon nga ay hindi big deal ang nangyari at parang kinalimutan na niya agad bakit pa ba ako na aapektuhan ng sobra isa pa hindi naman iyon ang unang beses na nakipag halikan ako ah. Solana what's the big deal?

The big deal is it's Travon, the one I kissed! After all he's ga-- Fuck it.

But I admit it. He's good at kissing. But he haven't tried kissing someone before how can he be that good?

I want mor—

What the fuck, Sol. Mahina kong pinukpok ang ulo.

Tangina bakit ba kung mag isip ako ngayon eh akala mo teenager ako para sa ganito. Fucking fuck. I'm fucking 23 and I kissed someone before, he's not even my first kiss kaya dapat hindi na ito big deal.

"Hoy, para kang tanga riyan," Hinanap ko ang nagsalita at natigilan ako ng makita si Travon na nakasandal aa pintuan.

I smiled awkwardly.

"Sabi ko kakain na. Lalamig ang pagkain, kaloka." Lumapit siya sa akin kaya napa atras ako. Kumunot ang noo niya at naningkit ang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi naman aki makapag salita dahil hindi ko rin alam ang dapat na sabihin.

"Masama ba ang pakiramdam mo, Sol?" Travon asked. Kagat ang ibabang labi ng umiling ako.

"Why are you like that?" Hindi na ako umatras ng lumapit siya, hindi ko rin binawi ang wrist ko ng hawakan niya iyon.

"Let's go and eat," Sabi niya at dahan dahan akong tumango.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa likuran niya habang nag lalakad kami pababa. The way he talked to me parang hindi niya talaga iniisip ang nangyari kaya bakit ba ako na bo-bother ng sobra.

"Kalimutan mo na 'yon, Sol," I whispered.

"Huh? May sinasabi ka?" Tanong niya at nilingon ako, nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling. Darn, nasabi ko ba ng malakas?

"Solana, you're acting weird," He said and shook his head.

Fuck it.

Tsaka niya lang binitawan ang wrist ko ng makarating kami sa kitchen. Umupo naman ako sa high chair at tinignan siya na nasa counter, preparing our foods.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon