Chapter 5

306 12 0
                                    

Chapter 5


Bumaba na ako sa kotse at kinuha ang dalawa kong maleta sa compartment  nang maiparada na niya ang sasakyan sa grahe. Hirap na hirap ko iyong hinila habang nakasunod sa kaniya. Hindi niya man lang ako tinulungan kahit nga ang pag lingon sa akin ay hindi niya ginagawa, dere-deretso lang siyang naglakad papunta sa front door ng bahay. Damn, this bitch.

"Travon, wala ka bang planong tulungan ako?" I asked sarcastically.

Lumingon siya sa akin na para bang nga-ngayon naalala na may kasama nga pala siya. Inirapan ko siya at hinila ang isang maleta patungo sa harapan ko.

"Oh," Tumango siya at nag lakad sa harapan ko, kinuha niya lang ang maleta at muli ng tumalikod habang hila iyon.

Umawang ang gilid ng labi ko habang nakatingin sa kaniya. Umirap na lang ako at maarteng inayos ang mga takas kong buhok bago sumunod sa kaniya. He opened the door and went inside. Sumunod ako sa kaniya papasok hila hila rin ang maletang dala ko, ng tuluyang makapsok ay sinara ko na ang pinto. Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin si Travon pero hindi ko siya mahagilap. Hindi ko maiwsan ang hindi mamangha pinag mamasdan ang malawak niyang living room at ang nga furnitures na halatang mamahalin.

Nag lakad ako palapit sa mga gamit na naroon sa sala. His house furniture was quite expensive, halata na agad iyon unang tingin pa lang. Ang mga paintings na nakasabit sa pader at iba pang gamit na halatang mamahalin. Lumapit ako sa isang mapayat at matangkad na lamesa na gawa sa kahoy. May dalawang maliit na halaman na nakapatong doon at may dalawang kulay puting ibon na naka display na magkaharap at syempre ang wood housebird. Sa gilid ay may mga nakapatong din na magazines. Hinaplos ko ang lamesa at tinignan ang kamay ko, wala man lang alikabok.

Sunod kong pinuntahan ay ang kusina. Malawak din dito pero mas may buhay kumpara sa sala na tanging sofa at iilang mga furnitures lang ang laman, siyempre Solana, kitchen ito. Tumingala ako ng maagaw ng pansin ko ang isang chandelier doon. Nilibot ko pa ang buong kusina at napangiti ng mapadpad ako sa kitchen island, binuksan ko ang mga cabinet doon at mas napangiti ng makita kung gaano ka ayos ang laman ng mga iyon.

Nang matapos akong mag libot doon ay napag desisyunan ko ng tumaas. May nakita akong elevator pero dahil nga mabilis akong mahilo ay mas pinili ko pa rin ang gumamit ng hagdanan. Pagtaas ko roon ay may maliit na sala pa ulit na bumungad sa akin bago ko nakita ang pinto ng kwarto sa dulong bahagi ng sala. Nagmadali akong pumunta roon at binuksan ang pinto, pumasok ako roon at malawak na napangiti ng makita roon ang maleta ko.

Pumasok ako sa closet at napakurap ako ng makita ang iba't ibang brand ng bag na nakapatas doon, karamihan doon ay handbag mula sa iba't ibang brand. Oh god, hindi ako makapaniwalang nalamangan niya ako ng tatlong bag. Binuksan ko ang sumunod na pinto ng closet mga business attire at mga long sleeve na ang naka hanger doon ang mga nakatupi ay itim na mga slacks. I opened the other closet, maayos at color by color ba ang mga damit na naroon, tingin ko ay mga pambahay niya ito.

Napangiti ako ng marealize kung gaano siya kaayos at kalinis sa mga gamit. Malaki talaga ang bahay niya, maganda at malawak, pero bakit gano'n parang ang plain? Sinubukan kong mag hanap ng picture frame kanina dahil kadalasan bawat bahay ay may gano'n pero siya ay wala. Nawala rin ang ngiti ko ng may isang bagay pang mapag tanto.

Mga gamit niya ang narito! Ibig sabihin, hindi ito ang kwarto ko! Mabilis akong lumabas sa kwartong iyon at hinanap ang kwarto na para sa akin pero walang ibang kwarto rito kundi ito lang!

"Travon!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo pababa sa hagdanan.

Hindi ko siya nakita sa sala kaya sa kitchen ako dumeretso, nag babakasali na naroon siya at tama anga ako. Nasa harap siya ng kitchen island at nakaupo roon habang harap ang laptop. Abalang abala sa pag titipa ng kung ano kaya inis na nag lakad ako palapit sa kaniya. Hinampas ko ang tiles kaya napatingin siya sa akin. Lihin akong napangiwi dahil sa sakit pero hindi ko pinahalata iyon.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon