Chapter 16

219 10 0
                                    

Chapter 16


"Trav, tara kasi," Pilit ko siyang hinihila patayo pero ang lokong 'to parang walang balak na mag pahila sa akin.

Anong oras na kami nakauwi kagabi galing sa EK at tingin ko napagod talaga siya sumakit nga yata ang katawan o ayaw lang talagang bumangon at gusto pa matulog. Wala naman daw siyang trabaho ngayon kaya okay lang pero kasi ayaw niyang bumangon.

"Ano ba? Let me rest," Angal niya at pilit inaalis ang kamay kong nakahawak sa kaniya.

Sa inis ay padabog ko siyang binitawan. Kasi naman! kanina ko pa siya hinihila papasok sa closet, nakita ko kasi 'yong mga pang make up ko kanina at gusto ko sanang mag practice.

At bakit ayaw? Kasi sa kaniya lang naman ako mag p-practice. Kailangan ko pang mahasa ang galing ko sa pag ma-make up 'no. Hindi pwedeng mas magaling siya sa'kin.

Oo, bored ako.

"Mhie, sige na kasi, isang round lang naman," Pag pipilit ko pa.

"Baka ibang round ang ibigay ko sa'yo, Solana. Let me rest first sumasakit ang katawan ko," Ngumisi pa siya ng nakakaloko at nag talakbong ng kumot.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya at agad siyang nahampas ng unan ng makuha ang ibig niyang sabihin. Alam ko naman na nagbibiro lang siya pero hindi ko 'to palalampasin!

"Siraulong bakla!" Sigaw ko athinampas siya ulit.

"Malanding bakla!"

"Solana!" Sigaw niya, sumilip siya sa kumot at kumuha rin ng unan tapos bianto ako pabalik.

Nainis naman ako sa ginawa niya akmang kuluha pa siya ng isang unan pero inunahan ko na siya at binato iyon sa kaniya.

"Tumigil ka na, omygod 'yong mukha ko mhie!" Sigaw niya ng matamaan ko ang mismomg mukha niya.

Hahahaha! face shot!

"Ang arte mo kasi, bagay sa'yo 'yan!" Sigaw ko.

Ngiting ngiti akong tumayo sa kama habang nakatingin sa kaniya. Nakasandal siya sa headboard habang nakatingin sa akin ang kumot na hawak niya ay natakip sa ibabang parte ng mukha niya, nakatingin lang siya sa akin na para bang natatakot pero himihintay kung anong gagawin ko.

I chuckled a bit. Mukha siyang tanga sa itsura niya akala mo naman may gagawin akong hindi maganda. Well meron naman talaga.I smiled like an evil. Nanatili naman siyang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.

"Get ready!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hey, anong gaga--" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil dinambahan ko na siya pero nanlaki ang mata ko dahil sa bilis ng pangyayari.

Tinulak niya ako kaya ang ending sa sahig ako bumagsak imbis na sa kaniya!

Baklang animal!

"Omygosh, ikaw naman kasi!" He stood up. I opened my eyes at agad ko siyang nakita ko siya sa harapan ko. Agad akong nakaramdam ng inis. He tried to help me to stand up pero tinabig ko ang kamay niya.

"Putanginamo!" I shouted.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi habang sinusubukang bumangon. Ang sakit! Fucking shit!

"Come on, let me help you," Lumuhod si Trav sa harapan ko at hinawakan ang magkabila kong balikat tsaka ako pilit na tinayo. Hindi na naman ako pumalag pero ng maiupo na niya ako sa kama tsaka ko siya tinignan ng masama.

"Bakit naman kasi ako ang dadambahan mo, mhie? Ang aga-aga ang lakas ng trip mo," Napakamot pa siya ng batok.

"Ayaw mo kasing sumama sa'kin mag practice ng make up! gusto mo siguro ikaw lang magaling!" Sigaw ko sa kaniya at umirap.

Behind Closed DoorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon